Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At ang bayan ng Israel ay nasaktan doon sa harap ng mga lingkod ni David, at nagkaroon ng malaking patayan doon sa araw na yaon, na may dalawang pung libong lalake.

New American Standard Bible

The people of Israel were defeated there before the servants of David, and the slaughter there that day was great, 20,000 men.

Mga Halintulad

2 Samuel 2:17

At ang pagbabaka ay lumalalang mainam nang araw na yaon; at si Abner ay nadaig, at ang mga lalake ng Israel sa harap ng mga lingkod ni David.

2 Samuel 2:26

Nang magkagayo'y tinawag ni Abner si Joab, at nagsabi, Mananakmal ba ang tabak magpakailan man? hindi mo ba nalalaman na magkakaroon ng kapaitan sa katapusan? hanggang kailan mo nga pababalikin ang bayan na mula sa pagsunod sa kanilang mga kapatid?

2 Samuel 2:31

Nguni't sinaktan ng mga lingkod ni David ang Benjamin, at ang mga lalake ni Abner, na anopa't nangamatay ay tatlong daan at anim na pung lalake.

2 Samuel 15:6

At ganitong paraan ang ginagawa ni Absalom sa buong Israel na naparoroon sa hari sa pagpapahatol: sa gayo'y ginanyak ni Absalom ang mga kalooban ng mga tao ng Israel.

2 Samuel 19:41-43

At, narito, ang lahat na lalake ng Israel ay nagsiparoon sa hari, at nagsipagsabi sa hari, Bakit ninakaw ka ng aming mga kapatid na mga lalake ng Juda, at itinawid ang hari at ang kaniyang sangbahayan sa Jordan, at ang lahat na lalake ni David na kasama niya?

2 Paralipomeno 13:16-17

At ang mga anak ni Israel ay nagsitakas sa harap ng Juda: at ibinigay ng Dios sila sa kanilang kamay.

2 Paralipomeno 28:6

Sapagka't si Peca na anak ni Remalias ay pumatay sa Juda ng isang daan at dalawangpung libo sa isang araw, silang lahat ay mga matapang na lalake; sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang.

Kawikaan 11:21

Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan: nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas.

Kawikaan 24:21

Anak ko, matakot ka sa Panginoon at sa hari: at huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago:

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org