Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ang hari ay sumagot, at nagsabi sa mga Caldeo, Ang bagay ay nawala sa akin: kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y pagpuputolputulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan.

New American Standard Bible

The king replied to the Chaldeans, "The command from me is firm: if you do not make known to me the dream and its interpretation, you will be torn limb from limb and your houses will be made a rubbish heap.

Mga Halintulad

Ezra 6:11

Ako nama'y gumawa ng pasiya, na sinomang bumago ng salitang ito, hugutan ng isang sikang ang kaniyang bahay at itaas siya, at mabitin doon; at ang kaniyang bahay ay maging tipunan ng dumi dahil dito:

Daniel 3:29

Kaya't nagpapasiya ako, na bawa't bayan, bansa, at wika, na magsalita ng anomang kapulaan laban sa Dios ni Sadrach, ni Mesach, at ni Abed-nego, pagpuputolputulin, at ang kanilang mga bahay ay gagawing dumihan: sapagka't walang ibang dios na makapagliligtas ng ganitong paraan.

2 Mga Hari 10:27

At kanilang sinira ang haligi na pinakaalaala kay Baal, at sinira ang bahay ni Baal, at ginawang bahay na tapunan ng dumi, hanggang sa araw na ito.

Deuteronomio 13:16

At iyong titipunin ang buong nasamsam doon, sa gitna ng lansangan niyaon, at iyong susunugin sa apoy ang bayan, at ang buong nasamsam doon, na bawa't putol, ay sa Panginoon mong Dios; at magiging isang bunton ng dumi magpakailan man; hindi na muling matatayo.

Josue 6:26

At binilinan sila ni Josue sa pamamagitan ng sumpa nang panahong yaon, na sinasabi, Sumpain ang lalake sa harap ng Panginoon, na magbangon at magtayo nitong bayan ng Jerico; kaniyang inilagay ang tatagang-baon niyaon sa kamatayan ng kaniyang panganay, at kaniyang itatayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa kamatayan ng kaniyang bunso.

1 Samuel 15:33

At sinabi ni Samuel, Kung paanong niwalan ng anak ng iyong tabak ang mga babae, ay magiging gayon ang iyong ina na mawawalan ng anak, sa gitna ng mga babae. At pinagputolputol ni Samuel si Agag sa harap ng Panginoon sa Gilgal.

Awit 50:22

Gunitain nga ninyo ito, ninyong nangakalilimot sa Dios, baka kayo'y aking pagluraylurayin at walang magligtas:

Awit 58:7

Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos: pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.

Daniel 2:12

Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat na pantas na tao sa Babilonia.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

4 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man: saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan. 5 Ang hari ay sumagot, at nagsabi sa mga Caldeo, Ang bagay ay nawala sa akin: kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y pagpuputolputulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan. 6 Nguni't kung inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan: kaya't ipaliwanag ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org