Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At siya'y magiging katuwiran sa atin, kung ating isagawa ang buong utos na ito sa harap ng Panginoon nating Dios, gaya ng iniutos niya sa atin.

New American Standard Bible

"It will be righteousness for us if we are careful to observe all this commandment before the LORD our God, just as He commanded us.

Mga Halintulad

Deuteronomio 24:13

Iyo ngang isasauli sa kaniya ang sangla paglubog ng araw, upang siya'y matulog sa kaniyang damit, at pagpalain ka: at magiging katuwiran mo sa harap ng Panginoon mong Dios.

Mga Taga-Roma 10:3

Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.

Levitico 18:5

Tutuparin nga ninyo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan: na ikabubuhay ng mga taong magsisitupad: ako ang Panginoon.

Awit 106:30-31

Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan: at sa gayo'y tumigil ang salot.

Awit 119:6

Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.

Kawikaan 12:28

Nasa daan ng katuwiran ang buhay; at sa kaniyang landas ay walang kamatayan.

Ezekiel 20:11

At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon.

Lucas 10:28-29

At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.

Mga Taga-Roma 10:5-6

Sapagka't isinulat ni Moises na ang tao na gumagawa ng katuwirang ayon sa kautusan ay mabubuhay dahil dito.

Mga Taga-Galacia 3:12

At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya; kundi, Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon.

Santiago 2:10

Sapagka't ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat.

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org