Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari.

New American Standard Bible

"I declared the former things long ago And they went forth from My mouth, and I proclaimed them Suddenly I acted, and they came to pass.

Mga Halintulad

Isaias 41:22

Ilabas nila, at ipahayag sa amin kung anong mangyayari: ipahayag ninyo ang mga dating bagay, maging anoman ang mga yaon, upang aming mabatid at maalaman ang huling wakas nila: o pagpakitaan ninyo kami ng mga bagay na darating.

Isaias 42:9

Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko: bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo.

Isaias 45:21

Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.

Josue 21:45

Walang nagkulang na isang mabuting bagay na sinalita ng Panginoon sa sangbahayan ng Israel, lahat ay nangyari.

Isaias 43:9

Mapisan ang lahat na bansa, at magpulong ang mga bayan: sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay? dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila'y mapatotohanan: o dinggin nila, at magsabi, Katotohanan nga.

Isaias 44:7-8

At sino, na gaya ko, tatawag, at magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.

Josue 23:14-15

At, narito, sa araw na ito ay yumayaon ako sa lakad ng buong lupa: at inyong talastas sa inyong buong puso at sa inyong buong kaluluwa na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Dios tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, wala kahit isang bagay na nagkulang.

Isaias 10:12-19

Kaya't mangyayari, na pagka naisagawa ng Panginoon ang buo niyang gawain sa bundok ng Sion at sa Jerusalem, aking parurusahan ang kagagawan ng mapagmalaking loob na hari sa Asiria, at ang kaluwalhatian ng kaniyang mga mapagmataas na tingin.

Isaias 10:33-34

Narito, puputulin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, na kakilakilabot ang mga sanga: at ang mga mataas sa anyo ay ibubuwal, at ang mapagmataas ay ibababa.

Isaias 37:7

Narito, ako'y maglalagay ng espiritu sa kaniya, at siya'y makakarinig ng kaingay, at babalik sa kaniyang sariling lupain; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain.

Isaias 37:29

Dahil sa iyong galit laban sa akin, at dahil sa iyong kapalaluan ay nanuot sa aking mga pakinig, kaya't ilalagay ko ang aking taga ng bingwit sa iyong ilong, at ang aking paningkaw sa iyong mga labi, at pababalikin kita sa daan na iyong pinanggalingan.

Isaias 37:36-38

At ang anghel ng Panginoon ay lumabas, at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria nang isang daan at walongpu't limang libo: at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan, narito, ang lahat ay mga katawang bangkay.

Isaias 46:9-10

Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

2 (Sapagka't sila'y tinatawag ayon sa bayang banal, at nagsitiwala sa Dios ng Israel; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan): 3 Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari. 4 Sapagka't nakilala ko, na ikaw ay mapagmatigas, at ang iyong leeg ay parang litid na bakal, at ang iyong noo ay parang tanso:


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org