Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay.

New American Standard Bible

and A MAN'S ENEMIES WILL BE THE MEMBERS OF HIS HOUSEHOLD.

Mga Halintulad

Mikas 7:6

Sapagka't sinisiraang puri ng anak na lalake ang ama, ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina, ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae; ang mga kaaway ng tao ay ang kaniyang sariling kasangbahay.

Awit 41:9

Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan, na kumain ng aking tinapay, nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.

Awit 55:13

Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik.

Genesis 3:15

At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.

Genesis 4:8-10

At yao'y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel. At nangyari, nang sila'y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, at siya'y kaniyang pinatay.

Genesis 37:17-28

At sinabi ng tao, Nagsialis na sila: sapagka't narinig kong kanilang sinabi, Tayo na sa Dotan. At sinundan ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at nasumpungan niya sila sa Dotan.

1 Samuel 17:28

At narinig ni Eliab na kaniyang pinakamatandang kapatid, nang siya'y magsalita sa mga lalake; at ang galit ni Eliab ay nagalab laban kay David, at kaniyang sinabi, Bakit ka lumusong dito? at kanino mo iniwan ang ilang tupang yaon sa ilang? Talastas ko ang iyong kahambugan, at ang kalikutan ng iyong puso; sapagka't ikaw ay lumusong upang iyong makita ang pagbabaka.

2 Samuel 16:11

At sinabi ni David kay Abisai, at sa lahat niyang mga lingkod, Narito, ang anak ko, na lumabas sa aking tiyan, siyang humahanap ng aking buhay: gaano pa nga kaya ang gagawin ngayon ng Benjamitang ito? bayaan ninyo siya at manumpa siya: sapagka't iniutos ng Panginoon sa kaniya.

Job 19:13-19

Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin, at ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin.

Jeremias 12:6

Sapagka't ang iyong mga kapatid man at ang sangbahayan ng iyong magulang, ay nagsigawa ring may kataksilan sa iyo; nagsihiyaw rin ng malakas sa hulihan mo: huwag mong paniwalaan sila, bagaman sila'y nangagsasalita ng mga mabuting salita sa iyo.

Jeremias 20:10

Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa lahat ng dako. Kayo'y mangagsumbong, at aming isusumbong siya, sabi ng lahat ng mga kasamasama kong kaibigan, na nagsisipaghintay ng aking pagkabagsak; marahil siya'y mahihikayat, at tayo'y mangananaig laban sa kaniya, at tayo'y mangakagaganti sa kaniya.

Juan 13:8

Sinabi sa kaniya ni Pedro, Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man. Sinagot siya ni Jesus, Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

35 Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae: 36 At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay. 37 Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org