Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At ang lupain ay mapasuko sa harap ng Panginoon: ay makababalik nga kayo pagkatapos, at hindi kayo magiging salarin sa Panginoon, at sa Israel; at ang lupaing ito ay magiging inyong pag-aari sa harap ng Panginoon.

New American Standard Bible

and the land is subdued before the LORD, then afterward you shall return and be free of obligation toward the LORD and toward Israel, and this land shall be yours for a possession before the LORD.

Mga Halintulad

Josue 22:9

At ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagsibalik na humiwalay sa mga anak ni Israel mula sa Silo, na nasa lupain ng Canaan, upang pumaroon sa lupain ng Galaad, sa lupain ng kanilang ari na kanilang inari, ayon sa utos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises.

Deuteronomio 3:20

Hanggang sa bigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanilang ariin naman ang lupain na ibinigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios, sa dako roon ng Jordan; kung magkagayon ay babalik ang bawa't lalake sa inyo sa kaniyang pag-aari, na aking ibinigay sa inyo.

Josue 22:4

At ngayo'y binigyan ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios ang inyong mga kapatid, gaya ng sinalita niya sa kanila: kaya't ngayo'y pumihit kayo at yumaon kayo sa inyong mga tolda sa lupain na inyong ari, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan.

Josue 1:15

Hanggang sa mabigyan ng kapahingahan ng Panginoon ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanila namang maari ang lupaing ibinibigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios: kung magkagayo'y babalik kayo sa lupain na inyong ari, at inyong aariin, yaong ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw.

Josue 13:8

Sa kaniya'y tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita, ang kanilang mana, na ibinigay sa kanila ni Moises, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon;

Deuteronomio 3:12-18

At ang lupaing ito'y ating sinakop na pinakaari nang panahong yaon; mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at kalahati ng lupaing maburol ng Galaad, at ang mga bayan niyaon, ay aking ibinigay sa mga Rubenita at sa mga Gadita:

Josue 2:19

At mangyayari, na sinomang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay sa lansangan, ay mabububo sa kaniyang ulo ang kaniyang dugo at hindi namin magiging kasalanan: at sinomang kasama mo sa bahay ay mahuhulog sa aming ulo ang dugo niya, kung may magbuhat sa kaniya ng kamay.

Josue 10:30

At ibinigay rin ng Panginoon, sangpu ng hari niyaon, sa kamay ng Israel; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwan doon; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico.

Josue 10:42

At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

Josue 11:23

Gayon sinakop ni Josue ang buong lupain ayon sa lahat na sinalita ng Panginoon kay Moises; at ibinigay ni Josue na pinakamana sa Israel, ayon sa kanilang pagkakabahagi sangayon sa kanilang mga lipi. At ang lupain ay nagpahinga sa pakikipagdigma.

Josue 13:29-32

At si Moises ay nagbigay ng mana sa kalahating lipi ni Manases: at yao'y sa kalahating lipi ng mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan.

Josue 18:1

At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay nagpupulong sa Silo, at itinayo ang tabernakulo ng kapisanan doon: at ang lupain ay sumuko sa harap nila.

2 Samuel 3:28

At pagkatapos nang mabalitaan ni David, ay kaniyang sinabi, Ako at ang aking kaharian ay walang sala sa harap ng Panginoon magpakailan man sa dugo ni Abner na anak ni Ner:

Awit 44:1-4

Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios, isinaysay sa amin ng aming mga magulang, kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan, ng mga kaarawan ng una.

Awit 78:55

Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila, at binahagi sa kanila na pinakamana sa pamamagitan ng pising panukat, at pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org