Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Sapagka't tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.

New American Standard Bible

for John baptized with water, but you will be baptized with the Holy Spirit not many days from now."

Mga Halintulad

Mateo 3:11

Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy:

Lucas 3:16

Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:

Mga Gawa 2:1-4

At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako.

1 Corinto 12:13

Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

Tito 3:5

Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,

Joel 2:28-32

At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:

Joel 3:18

At mangyayari sa araw na yaon, na ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak, at ang mga burol ay aagusan ng gatas, at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig; at isang bukal ay babalong sa bahay ng Panginoon, at didiligin ang libis ng Sittim.

Marcos 1:8

Binabautismuhan ko kayo sa tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo.

Juan 1:31

At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig.

Mga Gawa 2:16-21

Datapuwa't ito'y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel:

Mga Gawa 10:45

At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka't ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo.

Mga Gawa 11:15-16

At nang ako'y magpasimulang magsalita, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo, na gaya naman ng pagbaba sa atin nang una.

Mga Gawa 19:4

At sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa bayan na sila'y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya, sa makatuwid baga'y kay Jesus.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

4 At, palibhasa'y nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama, na sinabi niyang narinig ninyo sa akin: 5 Sapagka't tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa. 6 Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org