Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio, mga lalaking religioso, na buhat sa bawa't bansa sa ilalim ng langit.

New American Standard Bible

Now there were Jews living in Jerusalem, devout men from every nation under heaven.

Mga Halintulad

Mga Gawa 8:2

At inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan, at siya'y tinangisan ng di kawasa.

Lucas 2:25

At narito, may isang lalake sa Jerusalem, na nagngangalang Simeon; at ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa kabanalan, na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu Santo.

Exodo 23:16

At ang pista ng pagaani ng mga unang bunga ng iyong kapagalan, na iyong inihasik sa bukid: at ang pista ng pagaani, sa katapusan ng taon, nang pagaani mo ng iyong kapagalan sa bukid.

Deuteronomio 2:25

Sa araw na ito ay pasisimulan kong ilagay sa mga bayang nangasa silong ng buong langit, ang sindak sa iyo at ang takot sa iyo, na maririnig nila ang iyong kabantugan, at magsisipanginig, at mangahahapis, dahil sa iyo.

Isaias 66:18

Sapagka't kilala ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pagiisip: ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat na bansa at ang mga may iba't ibang wika; at sila'y magsisiparoon, at mangakikita ang aking kaluwalhatian.

Zacarias 8:18

At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Mateo 24:14

At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.

Lucas 17:24

Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan.

Lucas 24:18

At isa sa kanila, na nagngangalang Cleopas, sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y nakikipamayan lamang sa Jerusalem, at hindi nakaalam ng mga bagay na doo'y nangyari nang mga araw na ito?

Juan 12:20

Mayroon ngang ilang Griego sa nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba:

Mga Gawa 2:1

At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako.

Mga Gawa 8:27

At siya'y nagtindig at yumaon: at narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba;

Mga Gawa 10:2

Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.

Mga Gawa 10:7

At nang umalis ang anghel na sa kaniya'y nagsalita, ay tumawag siya ng dalawa sa kaniyang mga alila, at ng isang kawal na masipag sa kabanalan sa mga nagsisipaglingkod sa kaniyang parati;

Mga Gawa 13:50

Datapuwa't inudyukan ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang mahal, at ang mga mahal na tao sa bayan, at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan.

Mga Gawa 22:12

At isang Ananias, lalaking masipag sa kabanalan ayon sa kautusan, na may mabuting katunayan ng lahat ng mga Judiong nagsisitahan doon,

Mga Taga-Colosas 1:23

Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

4 At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain. 5 May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio, mga lalaking religioso, na buhat sa bawa't bansa sa ilalim ng langit. 6 At nang marinig ang ugong na ito, ay nangagkatipon ang karamihan, at nangamaang, sapagka't sa kanila'y narinig ng bawa't isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org