23 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Karapatan ng Panganay

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 25:27-34

At nagsilaki ang mga bata; at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso, lalake sa parang; at si Jacob ay lalaking tahimik, na tumatahan sa mga tolda. Minamahal nga ni Isaac si Esau, sapagka't kumakain ng kaniyang pinangangasuhan: at minamahal ni Rebeca si Jacob. At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:magbasa pa.
At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom. At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay. At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay? At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob. At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.

Genesis 25:31

At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.

Genesis 43:33

At sila'y nagsiupo sa harap niya, ang panganay ayon sa kaniyang pagkapanganay, at ang bunso ayon sa kaniyang pagkabunso: at ang mga lalake ay nangamamangha na nagtitinginan.

Deuteronomio 21:16

Ay mangyayari nga sa araw na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan, na siyang panganay;

2 Paralipomeno 21:3

At binigyan sila ng kanilang ama ng mga dakilang kaloob, na pilak, at ginto, at mga mahalagang bagay, pati ng mga bayang nakukutaan ng Juda: nguni't ang kaharian ay ibinigay niya kay Joram, sapagka't siya ang panganay.

Mga Hebreo 12:16

Baka magkaroon ng sinomang mapakiapid, o mapaglapastangan, gaya ni Esau, na sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay.

Genesis 25:29-34

At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot: At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom. At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.magbasa pa.
At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay? At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob. At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.

Mga Hebreo 12:16-17

Baka magkaroon ng sinomang mapakiapid, o mapaglapastangan, gaya ni Esau, na sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay. Sapagka't nalalaman ninyo na bagama't pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala, siya'y itinakuwil; sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha.

Deuteronomio 21:15-16

Kung ang isang lalake ay may dalawang asawa, na ang isa'y sinisinta, at ang isa'y kinapopootan, at kapuwa magkaanak sa kaniya, ang sinisinta at ang kinapopootan; at kung ang maging panganay ay sa kinapopootan: Ay mangyayari nga sa araw na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan, na siyang panganay;

Deuteronomio 21:15-17

Kung ang isang lalake ay may dalawang asawa, na ang isa'y sinisinta, at ang isa'y kinapopootan, at kapuwa magkaanak sa kaniya, ang sinisinta at ang kinapopootan; at kung ang maging panganay ay sa kinapopootan: Ay mangyayari nga sa araw na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan, na siyang panganay; Kundi kaniyang kikilalaning panganay, ang anak ng kinapopootan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dalawang bahagi sa buong kaniyang tinatangkilik; sapagka't siya ang pasimula ng kaniyang lakas; ang karapatan nga ng pagkapanganay ay kaniya.

1 Paralipomeno 26:10

Si Hosa naman sa mga anak ni Merari ay nagkaroon ng mga anak; si Simri ang pinuno (sapagka't bagaman hindi siya panganay, gayon ma'y ginawa siyang pinuno ng kaniyang ama;)

2 Paralipomeno 21:1-3

At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. At siya'y nagkaroon ng mga kapatid, na mga anak ni Josaphat, na si Azarias, at si Jehiel, at si Zacharias, at si Azarias, at si Michael, at si Sephatias: lahat ng ito ay mga anak ni Josaphat na hari sa Israel. At binigyan sila ng kanilang ama ng mga dakilang kaloob, na pilak, at ginto, at mga mahalagang bagay, pati ng mga bayang nakukutaan ng Juda: nguni't ang kaharian ay ibinigay niya kay Joram, sapagka't siya ang panganay.

Mga Hukom 11:1-2

Si Jephte nga na Galaadita ay lalaking makapangyarihang may tapang, at siya'y anak ng isang patutot: at si Jephte ay naging anak ni Galaad. At ang asawa ni Galaad ay nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; at nang magsilaki ang mga anak ng kaniyang asawa ay kanilang pinalayas si Jephte, at sinabi nila sa kaniya, Ikaw ay hindi magmamana sa sangbahayan ng aming ama; sapagka't ikaw ay anak ng ibang babae.

Genesis 21:8-13

At lumaki ang sanggol, at inihiwalay sa suso; at nagpiging ng malaki si Abraham ng araw na ihiwalay sa suso si Isaac. At nakita ni Sara ang anak ni Agar na taga Egipto, na ito'y nagkaanak kay Abraham, na tumutuya sa kaniya. Kaya't sinabi niya kay Abraham, Palayasin mo ang aliping ito at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng aliping ito na kahati ng aking anak, sa makatuwid baga'y ni Isaac.magbasa pa.
At ang bagay na ito ay naging lubhang mabigat sa paningin ni Abraham dahil sa kaniyang anak. At sinabi ng Dios kay Abraham, Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kaniyang tinig, sapagka't kay Isaac tatawagin ang iyong lahi. At ang anak din naman ng alipin ay gagawin kong isang bansa, sapagka't siya'y anak mo.

Mga Bilang 27:1-11

Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga anak na babae ni Salphaad, na anak ni Hepher, na anak ni Galaad, na anak ni Machir, na anak ni Manases, sa mga angkan ni Manases, na anak ni Jose; at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, at Hogla, at Milca, at Tirsa. At sila'y nagsitayo sa harap ni Moises, at sa harap ni Eleazar na saserdote, at sa harap ng mga prinsipe at ng buong kapisanan, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi, Ang aming ama ay namatay sa ilang, at siya'y hindi kasama ng nagpipisang magkakasama laban sa Panginoon, sa pulutong ni Core: kundi siya'y namatay sa kaniyang sariling kasalanan; at hindi nagkaanak ng lalake.magbasa pa.
Bakit ang pangalan ng aming ama ay aalisin sa angkan niya, sapagka't siya'y hindi nagkaanak ng lalake? Bigyan ninyo kami ng pag-aari sa gitna ng mga kapatid ng aming ama. At dinala ni Moises ang kanilang usap sa harap ng Panginoon. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Ang mga anak na babae ni Salphaad ay nagsasalita ng matuwid: bibigyan mo nga sila ng isang pag-aari na pinakamana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama; at iyong isasalin ang mana ng kanilang ama sa kanila. At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Kung ang isang lalake ay mamatay, at walang anak na lalake, ay inyo ngang isasalin ang kaniyang mana sa kaniyang anak na babae. At kung siya'y walang anak na babae, ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa kaniyang mga kapatid. At kung siya'y walang kapatid, ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa mga kapatid ng kaniyang ama. At kung ang kaniyang ama ay walang kapatid, ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa kaniyang kamaganak na pinakamalapit sa kaniya sa kaniyang angkan, at kaniyang aariin: at sa mga anak ni Israel ay magiging isang palatuntunan ng kahatulan, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

2 Paralipomeno 11:18-22

At nagasawa si Roboam kay Mahalath na anak ni Jerimoth na anak ni David, at kay Abihail na anak ni Eliab, na anak ni Isai; At siya'y nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; si Jeus, at si Samaria, at si Zaham. At pagkatapos sa kaniya ay nagasawa siya kay Maacha na anak ni Absalom; ipinanganak nito sa kaniya si Abias, at si Athai, at si Ziza, at si Selomith.magbasa pa.
At minahal ni Roboam si Maacha na anak ni Absalom ng higit kay sa lahat ng kaniyang mga asawa at sa kaniyang mga babae (sapagka't siya'y nagasawa ng labing walo, at anim na pung babae, at nagkaanak ng dalawang pu't walong lalake, at anim na pung babae.) At inihalal ni Roboam si Abias na anak ni Maacha na maging pinuno, sa makatuwid baga'y prinsipe sa kaniyang mga kapatid: sapagka't kaniyang inisip na gawin siyang hari.

1 Paralipomeno 5:1

At ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagka't siya ang panganay; nguni't sa paraang kaniyang dinumhan ang higaan ng kaniyang ama, ang kaniyang pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; at sa talaan ng lahi ay hindi marapat ibilang ayon sa pagkapanganay.

Genesis 49:3-4

Ruben, ikaw ang aking panganay, ang aking kapangyarihan, at siyang pasimula ng aking kalakasan; Siyang kasakdalan ng kamahalan, at siyang kasakdalan ng kapangyarihan. Kumukulong parang tubig na umaawas, hindi ka magtataglay ng kasakdalan, Sapagka't, sumampa ka sa higaan ng iyong ama: Hinamak mo nga; sumampa sa aking higaan.

Genesis 25:5-6

At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kaniyang tinatangkilik kay Isaac. Datapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham, ay pinagbibigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay mga inilayo niya kay Isaac na kaniyang anak sa dakong silanganan sa lupaing silanganan.

Never miss a post

n/a