19 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Muling Pagtatatag ng Templo

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Ezra 1:2-3

Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, Ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Dios, at umahon siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (siya'y Dios,) na nasa Jerusalem.

Ezra 6:3-5

Nang unang taon ni Ciro na hari, si Ciro na hari ay gumawa ng pasiya: Tungkol sa bahay ng Dios sa Jerusalem, ipahintulot na matayo ang bahay, ang dako na kanilang pinaghahandugan ng mga hain, at ipahintulot na malagay na matibay ang mga tatagang-baon; ang taas niyao'y anim na pung siko, at ang luwang niyao'y anim na pung siko, Na may tatlong hanay na mga malaking bato, at isang hanay ng bagong kahoy: at ang magugugol ay ibigay na mula sa bahay ng hari: At ang ginto at pilak na mga sisidlan din naman ng bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem, at nangadala sa Babilonia, masauli, at ipasok uli sa templo na nasa Jerusalem, bawa't isa'y sa kanikaniyang dako, at iyong ipaglalagay sa bahay ng Dios.

Ezra 3:10-11

At nang ilagay ng mga manggagawa ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon, kanilang inilagay ang mga saserdote na bihis, na may mga pakakak, at ang mga Levita na mga anak ni Asaph na may mga simbalo, upang magsipuri sa Panginoon, ayon sa alituntunin ni David na hari sa Israel. At sila'y nagawitang isa't isa sa pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon, na nangagsasabi: Sapagka't siya'y mabuti, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man sa Israel. At ang buong bayan ay humiyaw ng malakas, nang sila'y magsipuri sa Panginoon, sapagka't ang tatagang-baon ng bahay ng Panginoon ay nalagay.

Ezra 4:24

Nang magkagayo'y natigil ang gawa sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at natigil hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario, na hari sa Persia.

Ezra 5:2-5

Nang magkagayo'y bumangon si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadach, at pinasimulang itinayo ang bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at kasama nila ang mga propeta ng Dios, na nagsisitulong sa kanila. Nang panahon ding yaon ay naparoon sa kanila si Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, at si Sethar-boznai, at ang kanilang mga kasama, at nagsabi ng ganito sa kanila: Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito, at yariin ang kutang ito? Nang magkagayo'y nangagsalita kami sa kanila ng ganitong paraan: Ano-ano ang mga pangalan ng mga tao na nagsigawa ng bahay na ito?magbasa pa.
Nguni't ang mata ng kanilang Dios ay nakatingin sa mga matanda ng mga Judio, at hindi nila pinatigil, hanggang sa ang bagay ay dumating kay Dario, at nang magkagayo'y ang sagot ay nabalik sa pamamagitan ng sulat tungkol doon.

Ezra 5:8

Talastasin ng hari, na kami ay nagsiparoon sa lalawigan ng Juda, sa bahay ng dakilang Dios, na natayo ng mga malaking bato, at mga kahoy ay nalapat sa mga kuta; at ang gawaing ito ay pinagsisikapan at nayayari sa kanilang mga kamay.

Ezra 6:14-15

At ang mga matanda ng mga Judio ay nangagtayo at nangapasulong, ayon sa hula ni Haggeo na propeta at ni Zacarias na anak ni Iddo. At kanilang itinayo at niyari, ayon sa utos ng Dios ng Israel, at ayon sa pasiya ni Ciro at ni Dario, at ni Artajerjes na hari sa Persia. At ang bahay na ito ay nayari nang ikatlong araw ng buwan ng Adar, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario na hari.

Ezra 4:1

Nang mabalitaan nga ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga anak sa pagkabihag ay nangagtatayo ng templo na ukol sa Panginoon, sa Dios ng Israel;

Nehemias 6:10

At ako'y naparoon sa bahay ni Semaias na anak ni Delaias na anak ni Mehetabeel na nakulong; at kaniyang sinabi, Tayo'y magpupulong na magkakasama sa bahay ng Dios, sa loob ng templo, at ating isara ang mga pinto ng templo: sapagka't sila'y magsisiparito upang patayin ka; oo, sa kinagabiha'y magsisiparito sila upang patayin ka.

Daniel 8:14

At sinabi niya sa akin, Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo'y malilinis ang santuario.

Zacarias 6:12

At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y Sanga: at siya'y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon;

Zacarias 6:13

Sa makatuwid baga'y kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon; at siya'y magtataglay ng kaluwalhatian, at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan; at siya'y magiging saserdote sa kaniyang luklukan: at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapuwa.

Zacarias 6:15

At silang nangasa malayo ay magsisiparito at mangagtatayo sa loob ng templo ng Panginoon, at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo. At ito'y mangyayari kung inyong tatalimahing masikap ang tinig ng Panginoon ninyong Dios.

Zacarias 8:9

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Inyong palakasin ang inyong mga kamay, ninyong nangakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng mga propeta, mula nang araw na ilagay ang tatagang-baon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, sa templo, upang matayo.

Juan 2:19

Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Igiba ninyo ang templong ito, at aking itatayo sa tatlong araw.

Mateo 26:61

At nangagsabi, Sinabi ng taong ito, Maigigiba ko ang templo ng Dios, at muling itatayo ko sa tatlong araw.

Marcos 14:58

Narinig naming sinabi niya, Aking igigiba ang templong ito na gawa ng mga kamay, at sa loob ng tatlong araw ay itatayo ko ang ibang hindi gawa ng mga kamay.

Mateo 27:40

At nangagsasabi, Ikaw na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus.

Marcos 15:29

At siya'y inalipusta ng nagsisipagdaan na pinatatangotango ang kanilang mga ulo, at sinasabi, Ah! ikaw na iginigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itinatayo,

Never miss a post

n/a