43 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Tagapayo, Mga

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Isaias 19:11

Ang mga pangulo sa Zoan ay lubos na mangmang; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan: paanong masasabi ninyo kay Faraon, Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari?

Kawikaan 20:18

Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka.

Kawikaan 1:25-26

Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway: Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;

Kawikaan 1:30-31

Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.

Jeremias 18:18

Nang magkagayo'y sinabi nila, Kayo'y magsiparito, at tayo'y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias; sapagka't ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote, o ang payo man sa pantas, o ang salita man sa propeta. Kayo'y magsiparito, at ating saktan siya ng dila, at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita.

Mga Gawa 27:11

Datapuwa't may higit pang paniwala ang senturion sa piloto at sa may-ari ng daong, kay sa mga bagay na sinalita ni Pablo.

Mga Gawa 27:21

At nang maluwat nang hindi sila nagsisikain, ay tumayo nga si Pablo sa gitna nila, at sinabi, Mga ginoo, nangakinig sana kayo sa akin, at hindi umalis sa Creta, at nailagan ang kapinsalaang ito at kapahamakan.

Job 21:16

Narito, ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay: ang payo ng masama ay malayo sa akin.

Ezekiel 11:2-4

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang mga lalake na nagsisikatha ng kasamaan, at nagbibigay ng masamang payo sa bayang ito; Na nagsasabi, Hindi malapit ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay; ang bayang ito ang caldera, at tayo ang karne. Kaya't manghula ka laban sa kanila, manghula ka, Oh anak ng tao.

Isaias 8:19-20

At pagka kanilang sasabihin sa inyo, Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay? Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.

2 Paralipomeno 25:15-16

Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Amasias, at siya'y nagsugo sa kaniya ng isang propeta, na sinabi sa kaniya, Bakit mo hinanap ang dios ng bayan na hindi nakapagligtas ng kanilang sariling bayan sa iyong kamay? At nangyari, habang siya'y nakikipagusap sa kaniya, na sinabi ng hari sa kaniya, Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? umurong ka; bakit ka sasaktan? Nang magkagayo'y umurong ang propeta, at nagsabi, Talastas ko na pinasiyahan ng Dios na patayin ka, sapagka't iyong ginawa ito, at hindi mo dininig ang aking payo.

Isaias 19:3

At ang diwa ng Egipto ay mauupos sa gitna niyaon; at aking sisirain ang payo niyaon: at sasangguni sila sa mga diosdiosan, at sa mga enkantador, at sa mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga manghuhula.

Exodo 18:17-24

At sinabi ng biyanan ni Moises sa kaniya, Ang bagay na iyong ginagawa ay hindi mabuti. Tunay na ikaw ay manghihina, ikaw at ang bayang ito, na nasa iyo: sapagka't ang bagay ay totoong mabigat sa iyo; hindi mo makakayang magisa. Dinggin mo ngayon ang aking tinig; papayuhan kita, at sumaiyo nawa ang Dios: ikaw ang maging tagapagakay sa bayan sa harap ng Dios, at dalhin mo ang mga usap sa Dios:magbasa pa.
At ituturo mo sa kanila ang mga palatuntunan, at ang mga kautusan, at ipakikilala mo sa kanila ang daang nararapat lakaran, at ang gawang kanilang nararapat gawin. Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin: At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: at mangyayari, na bawa't malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa't bawa't munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, at magpapasan silang katulong mo. Kung gagawin mo ang bagay na ito, at iuutos sa iyong ganyan ng Dios ay iyo ngang mababata, at ang buong bayan namang ito ay uuwing payapa. Sa gayon, ay dininig ni Moises ang kaniyang biyanan, at ginawang lahat yaong sinabi.

Mga Gawa 5:38-39

At ngayo'y sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito, at pabayaan ninyo sila: sapagka't kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak: Datapuwa't kung sa Dios, ay hindi ninyo maiwawasak; baka pa kayo'y mangasumpungan na nangakikihamok laban sa Dios.

2 Corinto 8:10-12

At sa ganito'y ibinibigay ko ang aking pasiya: sapagka't ito'y nararapat sa inyo, na naunang nangagpasimula na may isang taon na, hindi lamang sa paggawa, kundi naman sa pagnanais. Datapuwa't ngayo'y tapusin din naman ninyo ang paggawa; upang kung paanong nagkaroon ng sikap ng pagnanais, ay gayon din namang magkaroon ng pagkatapos ayon sa inyong kaya. Sapagka't kung may sikap, ay tinatanggap ayon sa tinataglay, hindi ayon sa di tinataglay.

Mga Bilang 31:16

Narito, sila'y naging sanhi, sa payo ni Balaam, upang ang mga anak ni Israel ay sumalangsang laban sa Panginoon sa bagay ng Peor, at kaya't nagkasalot sa kapisanan ng Panginoon.

2 Samuel 15:31

At isinaysay ng isa kay David na sinasabi, Si Achitophel ay nasa nanganghihimagsik na kasama ni Absalom. At sinabi ni David, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na iyong gawing kamangmangan ang payo ni Achitophel.

2 Samuel 17:1

Bukod dito'y sinabi ni Achitophel kay Absalom, Papiliin mo ako ng labing dalawang libong lalake, at ako'y titindig at aking hahabulin si David sa gabing ito:

1 Mga Hari 12:28-30

Kaya't ang hari ay kumuhang payo, at gumawa ng dalawang guyang ginto; at sinabi niya sa kanila, Mahirap sa inyo na magsiahon sa Jerusalem; tingnan mo ang iyong mga dios, Oh Israel, na iniahon ka mula sa lupain ng Egipto. At inilagay niya ang isa sa Bethel, at ang isa'y inilagay sa Dan. At ang bagay na ito ay naging kasalanan: sapagka't ang bayan ay umahon upang sumamba sa harap ng isa, hanggang sa Dan.

Juan 11:49-53

Nguni't ang isa sa kanila na si Caifas, na dakilang saserdote nang taong yaon, ay nagsabi sa kanila, Kayo'y walang nalalamang anoman. Ni inyong niwawari na sa inyo'y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan, at hindi ang buong bansa ay mapahamak. Ito nga'y sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili: kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon, ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa;magbasa pa.
At hindi dahil sa bansa lamang, kundi upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat. Kaya't mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya.

Genesis 26:26

Nang magkagayo'y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar, at si Ahuzath na kaniyang kaibigan, at si Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo.

2 Samuel 15:12

At pinagsuguan ni Absalom si Achitophel na Gilonita, na kasangguni ni David, mula sa kaniyang bayan, mula sa Gilo samantalang siya'y naghahandog ng mga hain. At mahigpit ang pagbabanta: sapagka't ang bayan na kasama ni Absalom ay dumadami ng dumadami.

1 Mga Hari 4:5

At si Azarias na anak ni Nathan ay nangungulo sa mga pinuno; at si Zabud na anak ni Nathan ay pangulong tagapangasiwa, na kaibigan ng hari;

1 Mga Hari 22:5

At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, Sumangguni ka, isinasamo ko sa iyo, sa salita ng Panginoon ngayon.

Never miss a post

n/a