1 Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa lahat na Judio na nagsitahan sa lupain ng Egipto sa Migdol, at sa Taphnes, at sa Memphis, at sa lupain ng Patros, na nagsasabi,

1 The word that came to Jeremiah for all the Jews living in the land of Egypt, those who were living in Migdol, Tahpanhes, Memphis, and the land of Pathros, saying,

2 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Inyong nakita ang buong kasamaan na aking dinala sa Jerusalem, at sa lahat ng mga bayan ng Juda; at, narito, sa araw na ito, sila'y kagibaan, at walang taong tumatahan doon,

2 “Thus says the Lord of hosts, the God of Israel, ‘You yourselves have seen all the calamity that I have brought on Jerusalem and all the cities of Judah; and behold, this day they are in ruins and no one lives in them,

3 Dahil sa kanilang kasamaan na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sa kanilang pagsusunog ng kamangyan, at sa paglilingkod sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, kahit nila, o ninyo man, o ng inyong mga magulang man.

3 because of their wickedness which they committed so as to provoke Me to anger by continuing to burn sacrifices and to serve other gods whom they had not known, neither they, you, nor your fathers.

4 Gayon ma'y sinugo ko sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, na nagsasabi, Oh huwag ninyong gawin ang kasuklamsuklam na bagay na ito na aking kinapopootan.

4 Yet I sent you all My servants the prophets, again and again, saying, “Oh, do not do this abominable thing which I hate.”

5 Nguni't hindi sila nakinig, o ikiniling man nila ang kanilang pakinig na magsihiwalay sa kanilang kasamaan, na huwag mangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios.

5 But they did not listen or incline their ears to turn from their wickedness, so as not to burn sacrifices to other gods.

6 Kaya't ang aking kapusukan at ang aking galit ay nabuhos, at nagalab sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem; at mga sira at giba, gaya sa araw na ito.

6 Therefore My wrath and My anger were poured out and burned in the cities of Judah and in the streets of Jerusalem, so they have become a ruin and a desolation as it is this day.

7 Kaya't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Bakit kayo'y nagsigawa nitong malaking kasamaan laban sa inyong sariling mga kaluluwa, upang maghiwalay sa inyo ng lalake at babae, ng sanggol at pasusuhin, sa gitna ng Juda, upang huwag maiwanan kayo ng anomang labi;

7 Now then thus says the Lord God of hosts, the God of Israel, “Why are you doing great harm to yourselves, so as to cut off from you man and woman, child and infant, from among Judah, leaving yourselves without remnant,

8 Sa inyong pagkamungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay, na nangagsusunog kayo ng kamangyan sa ibang mga dios sa lupain ng Egipto, na inyong kinaparoonan na mangibang bayan; upang kayo'y maging kasumpaan at kadustaan sa gitna ng lahat na bansa sa lupa?

8 provoking Me to anger with the works of your hands, burning sacrifices to other gods in the land of Egypt, where you are entering to reside, so that you might be cut off and become a curse and a reproach among all the nations of the earth?

9 Inyo bagang kinalimutan ang kasamaan ng inyong mga magulang, at ang kasamaan ng mga hari sa Juda, at ang kasamaan ng kanilang mga asawa, at ang inyong sariling kasamaan, at ang kasamaan ng inyong mga asawa, na kanilang ginawa sa lupain ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem?

9 Have you forgotten the wickedness of your fathers, the wickedness of the kings of Judah, and the wickedness of their wives, your own wickedness, and the wickedness of your wives, which they committed in the land of Judah and in the streets of Jerusalem?

10 Sila'y hindi nagpakababa hanggang sa araw na ito, o nangatakot man sila, o nagsilakad man sila ng ayon sa aking kautusan, o sa aking mga palatuntunan man, na aking inilagay sa harap ninyo at sa harap ng inyong mga magulang.

10 But they have not become contrite even to this day, nor have they feared nor walked in My law or My statutes, which I have set before you and before your fathers.”’

11 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking itititig ang aking mukha laban sa inyo sa ikasasama, sa makatuwid baga'y upang ihiwalay ang buong Juda.

11 “Therefore thus says the Lord of hosts, the God of Israel, ‘Behold, I am going to set My face against you for woe, even to cut off all Judah.

12 At aking kukunin ang nalabi sa Juda na nagtitig ng kanilang mga mukha na pumasok sa lupain ng Egipto upang mangibang bayan doon, at silang lahat ay mangalipol; sa lupain ng Egipto ay mangabubuwal sila; sila'y lilipulin ng tabak, at ng kagutom; sila'y mangamamatay mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom; at sila'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan.

12 And I will take away the remnant of Judah who have set their mind on entering the land of Egypt to reside there, and they will all meet their end in the land of Egypt; they will fall by the sword and meet their end by famine. Both small and great will die by the sword and famine; and they will become a curse, an object of horror, an imprecation and a reproach.

13 Sapagka't aking parurusahan silang nagsisitahan sa lupain ng Egipto, gaya ng aking pagkaparusa sa Jerusalem sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot;

13 And I will punish those who live in the land of Egypt, as I have punished Jerusalem, with the sword, with famine and with pestilence.

14 Na anopa't wala sa nalabi sa Juda na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makatatanan o maiiwan man, upang makabalik sa lupain ng Juda na kanilang pinagnanasaang pagbalikan upang tahanan: sapagka't walang magsisibalik liban sa mga makatatanan.

14 So there will be no refugees or survivors for the remnant of Judah who have entered the land of Egypt to reside there and then to return to the land of Judah, to which they are longing to return and live; for none will return except a few refugees.’”

15 Nang magkagayo'y lahat ng lalake na nakaalam na ang kanilang mga asawa ay nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, at ang lahat na babae na nangakatayo, isang malaking kapulungan, sa makatuwid baga'y ang buong bayan na tumahan sa lupain ng Egipto, sa Pathros, ay sumagot kay Jeremias, na nagsasabi,

15 Then all the men who were aware that their wives were burning sacrifices to other gods, along with all the women who were standing by, as a large assembly, including all the people who were living in Pathros in the land of Egypt, responded to Jeremiah, saying,

16 Tungkol sa salita na iyong sinalita sa amin sa pangalan ng Panginoon, hindi ka namin didinggin.

16 “As for the message that you have spoken to us in the name of the Lord, we are not going to listen to you!

17 Kundi aming tunay na isasagawa ang bawa't salita na lumabas sa aming bibig, upang ipagsunog ng kamangyan ang reina ng langit, at ipagbuhos siya ng inuming handog, gaya ng aming ginawa, namin, at ng aming mga magulang, ng aming mga hari, at ng aming mga prinsipe sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem; sapagka't noon ay nagkaroon kami ng saganang pagkain, at kami ay nagsisibuti, at hindi nakakita ng kasamaan.

17 But rather we will certainly carry out every word that has proceeded from our mouths, by burning sacrifices to the queen of heaven and pouring out drink offerings to her, just as we ourselves, our forefathers, our kings and our princes did in the cities of Judah and in the streets of Jerusalem; for then we had plenty of food and were well off and saw no misfortune.

18 Nguni't mula nang aming iwan ang pagsusunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos siya ng mga inuming handog, kami ay nangailangan ng lahat na bagay, at kami ay nangalipol ng tabak at ng kagutom.

18 But since we stopped burning sacrifices to the queen of heaven and pouring out drink offerings to her, we have lacked everything and have met our end by the sword and by famine.”

19 At nang kami ay magsunog ng kamangyan sa reina ng langit at ipagbuhos siya ng mga inuming handog iginawa baga namin siya ng munting tinapay upang sambahin siya, at ipinagbuhos baga namin siya ng mga inuming handog, na wala ang aming mga asawa?

19 “And,” said the women, “when we were burning sacrifices to the queen of heaven and were pouring out drink offerings to her, was it without our husbands that we made for her sacrificial cakes in her image and poured out drink offerings to her?”

20 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa buong bayan, sa mga lalake, at sa mga babae sa buong bayan na nagbigay sa kaniya ng sagot na yaon, na nagsasabi,

20 Then Jeremiah said to all the people, to the men and women—even to all the people who were giving him such an answer—saying,

21 Ang kamangyan na inyong sinunog sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, ninyo, at ng inyong mga magulang, ng inyong mga hari at ng inyong mga prinsipe, at ng bayan ng lupain, hindi baga inalaala ng Panginoon, at hindi baga pumasok sa kaniyang pagiisip?

21 “As for the smoking sacrifices that you burned in the cities of Judah and in the streets of Jerusalem, you and your forefathers, your kings and your princes, and the people of the land, did not the Lord remember them and did not all this come into His mind?

22 Na anopa't ang Panginoon ay hindi nakapagpigil ng maluwat, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa, at dahil sa mga kasuklamsuklam na inyong ginawa; kaya't ang inyong lupain ay naging sira, at katigilan, at kasumpaan, na walang mananahan gaya sa araw na ito.

22 So the Lord was no longer able to endure it, because of the evil of your deeds, because of the abominations which you have committed; thus your land has become a ruin, an object of horror and a curse, without an inhabitant, as it is this day.

23 Sapagka't kayo'y nangagsunog ng kamangyan, at sapagka't kayo'y nangagkasala laban sa Panginoon, at hindi nagsitalima sa tinig ng Panginoon, o nagsilakad man sa kaniyang kautusan, o sa kaniyang palatuntunan man, o sa kaniyang mga patotoo man; dahil dito ang kasamaang ito ay nangyari sa inyo, gaya sa araw na ito.

23 Because you have burned sacrifices and have sinned against the Lord and not obeyed the voice of the Lord or walked in His law, His statutes or His testimonies, therefore this calamity has befallen you, as it has this day.”

24 Bukod dito ay sinabi ni Jeremias sa buong bayan, at sa lahat ng mga babae, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda, na nasa lupain ng Egipto:

24 Then Jeremiah said to all the people, including all the women, “Hear the word of the Lord, all Judah who are in the land of Egypt,

25 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Kayo at ang inyong mga asawa ay kapuwa nangagsalita ng inyong mga bibig, at ginanap ng inyong mga kamay, na nagsasabi, Tunay na aming tutuparin ang aming mga panata na aming ipinanata, na magsunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos ng mga inuming handog siya: inyo ngang isagawa ang inyong mga panata, at inyong tuparin ang inyong mga panata.

25 thus says the Lord of hosts, the God of Israel, as follows: ‘As for you and your wives, you have spoken with your mouths and fulfilled it with your hands, saying, “We will certainly perform our vows that we have vowed, to burn sacrifices to the queen of heaven and pour out drink offerings to her.” Go ahead and confirm your vows, and certainly perform your vows!’

26 Kaya't inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda na tumatahan sa lupain ng Egipto. Narito, ako'y sumumpa ng aking dakilang pangalan, sabi ng Panginoon, na ang aking pangalan ay hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa Juda sa buong lupain ng Egipto, na sabihin, Buhay ang Panginoong Dios.

26 Nevertheless hear the word of the Lord, all Judah who are living in the land of Egypt, ‘Behold, I have sworn by My great name,’ says the Lord, ‘never shall My name be invoked again by the mouth of any man of Judah in all the land of Egypt, saying, “As the Lord God lives.”

27 Narito, aking binabantayan sila sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti; at lahat ng tao ng Juda na nangasa lupain ng Egipto ay mangalilipol sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom, hanggang sa umabot sila sa kawakasan.

27 Behold, I am watching over them for harm and not for good, and all the men of Judah who are in the land of Egypt will meet their end by the sword and by famine until they are completely gone.

28 At ang mga makatatanan sa tabak ay mangagbabalik sa lupain ng Juda na mula sa lupain ng Egipto, na kaunti sa bilang; at ang buong nalabi sa Juda, na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makakaalam kung kaninong salita ang mananayo, kung akin, o kanila.

28 Those who escape the sword will return out of the land of Egypt to the land of Judah few in number. Then all the remnant of Judah who have gone to the land of Egypt to reside there will know whose word will stand, Mine or theirs.

29 At ito ang magiging tanda sa inyo, sabi ng Panginoon, na aking parurusahan kayo sa dakong ito, upang inyong makilala na ang aking salita ay tunay na tatayo laban sa inyo sa ikasasama:

29 This will be the sign to you,’ declares the Lord, ‘that I am going to punish you in this place, so that you may know that My words will surely stand against you for harm.’

30 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay si Faraon Hophra na hari sa Egipto sa kamay ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kaniyang buhay; gaya ng pagkabigay ko kay Sedechias na hari sa Juda sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na kaniyang kaaway, at umuusig ng kaniyang buhay.

30 Thus says the Lord, ‘Behold, I am going to give over Pharaoh Hophra king of Egypt to the hand of his enemies, to the hand of those who seek his life, just as I gave over Zedekiah king of Judah to the hand of Nebuchadnezzar king of Babylon, who was his enemy and was seeking his life.’”

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org