1 Nang araw na yaon ay bumasa sila sa aklat ni Moises sa pakinig ng bayan; at doo'y nasumpungang nakasulat, na ang Ammonita at Moabita, ay huwag papasok sa kapulungan ng Dios magpakailan man.

1 On that day they read aloud from the book of Moses in the hearing of the people; and there was found written in it that no Ammonite or Moabite should ever enter the assembly of God,

2 Sapagka't hindi nila sinalubong ang mga anak ni Israel ng tinapay at ng tubig, kundi inupahan si Balaam laban sa kanila, upang sumpain sila: gayon ma'y pinapaging pagpapala ng aming Dios ang sumpa.

2 because they did not meet the sons of Israel with bread and water, but hired Balaam against them to curse them. However, our God turned the curse into a blessing.

3 At nangyari, nang kanilang marinig ang kautusan, na inihiwalay nila sa Israel ang buong karamihang halohalo.

3 So when they heard the law, they excluded all foreigners from Israel.

4 Bago nga nangyari ito, si Eliasib na saserdote, na nahalal sa mga silid ng bahay ng aming Dios, palibhasa'y nakipisan kay Tobias.

4 Now prior to this, Eliashib the priest, who was appointed over the chambers of the house of our God, being related to Tobiah,

5 Ay ipinaghanda siya ng isang malaking silid, na kinasisidlan noong una ng mga handog na harina, ng mga kamangyan, at ng mga sisidlan, at ng mga ikasangpung bahagi ng trigo, ng alak, at ng langis, na nabigay sa pamamagitan ng utos sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto; at ang mga handog na itataas na ukol sa mga saserdote.

5 had prepared a large room for him, where formerly they put the grain offerings, the frankincense, the utensils and the tithes of grain, wine and oil prescribed for the Levites, the singers and the gatekeepers, and the contributions for the priests.

6 Nguni't sa buong panahong ito ay wala ako sa Jerusalem: sapagka't sa ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na hari sa Babilonia ay naparoon ako sa hari, at pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari:

6 But during all this time I was not in Jerusalem, for in the thirty-second year of Artaxerxes king of Babylon I had gone to the king. After some time, however, I asked leave from the king,

7 At ako'y naparoon sa Jerusalem, at naalaman ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib tungkol kay Tobias, sa paghahanda niya sa kaniya ng isang silid sa mga looban ng bahay ng Dios.

7 and I came to Jerusalem and learned about the evil that Eliashib had done for Tobiah, by preparing a room for him in the courts of the house of God.

8 At ikinamanglaw kong mainam: kaya't aking inihagis ang lahat na kasangkapan ni Tobias sa labas ng silid.

8 It was very displeasing to me, so I threw all of Tobiah’s household goods out of the room.

9 Nang magkagayo'y nagutos ako, at nilinis nila ang mga silid; at dinala ko uli roon ang mga sisidlan ng bahay ng Dios pati ng mga handog na harina at ng kamangyan.

9 Then I gave an order and they cleansed the rooms; and I returned there the utensils of the house of God with the grain offerings and the frankincense.

10 At nahalata ko na ang mga bahagi ng mga Levita ay hindi nangabigay sa kanila; na anopa't ang mga Levita, at ang mga mangaawit na nagsisigawa ng gawain, ay nangagsitakas bawa't isa sa kanikaniyang bukid.

10 I also discovered that the portions of the Levites had not been given them, so that the Levites and the singers who performed the service had gone away, each to his own field.

11 Nang magkagayo'y nakipagtalo ako sa mga pinuno, at sinabi ko, Bakit pinabayaan ang bahay ng Dios? At pinisan ko sila, at inilagay sa kanilang kalagayan.

11 So I reprimanded the officials and said, “Why is the house of God forsaken?” Then I gathered them together and restored them to their posts.

12 Nang magkagayo'y dinala ng buong Juda ang ikasangpung bahagi ng trigo at ng alak at ng langis sa mga ingatang-yaman.

12 All Judah then brought the tithe of the grain, wine and oil into the storehouses.

13 At ginawa kong mga tagaingat-yaman sa mga ingatang-yaman, si Selemias na saserdote, at si Sadoc na kalihim, at sa mga Levita, si Pedaias: at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zaccur, na anak ni Mathanias: sapagka't sila'y nangabilang na tapat, at ang kanilang mga katungkulan ay magbahagi sa kanilang mga kapatid.

13 In charge of the storehouses I appointed Shelemiah the priest, Zadok the scribe, and Pedaiah of the Levites, and in addition to them was Hanan the son of Zaccur, the son of Mattaniah; for they were considered reliable, and it was their task to distribute to their kinsmen.

14 Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, tungkol dito, at huwag mong pawiin ang aking mga mabuting gawa na aking ginawa sa ikabubuti ng bahay ng aking Dios, at sa pagganap ng kaugaliang paglilingkod doon.

14 Remember me for this, O my God, and do not blot out my loyal deeds which I have performed for the house of my God and its services.

15 Nang mga araw na yaon ay nakita ko sa Juda ang ilang nagpipisa sa mga ubasan sa sabbath, at nagdadala ng mga uhay, at nangasasakay sa mga asno; gaya naman ng alak, mga ubas, at mga higos, at lahat na sarisaring pasan, na kanilang ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng sabbath: at ako'y nagpatotoo laban sa kanila sa kaarawan na kanilang ipinagbibili ang mga pagkain.

15 In those days I saw in Judah some who were treading wine presses on the sabbath, and bringing in sacks of grain and loading them on donkeys, as well as wine, grapes, figs and all kinds of loads, and they brought them into Jerusalem on the sabbath day. So I admonished them on the day they sold food.

16 Doo'y nagsisitahan naman ang mga taga Tiro, na nangagpapasok ng isda, at ng sarisaring kalakal, at nangagbibili sa sabbath sa mga anak ni Juda, at sa Jerusalem.

16 Also men of Tyre were living there who imported fish and all kinds of merchandise, and sold them to the sons of Judah on the sabbath, even in Jerusalem.

17 Nang magkagayo'y nakipagtalo ako sa mga mahal na tao sa Juda, at sinabi ko sa kanila, Anong masamang bagay itong inyong ginagawa, at inyong nilalapastangan ang araw ng sabbath?

17 Then I reprimanded the nobles of Judah and said to them, “What is this evil thing you are doing, by profaning the sabbath day?

18 Hindi ba nagsigawa ng ganito ang inyong mga magulang, at hindi ba dinala ng ating Dios ang buong kasamaang ito sa atin, at sa bayang ito? gayon ma'y nangagdala pa kayo ng higit na pag-iinit sa Israel, sa paglapastangan ng sabbath.

18 Did not your fathers do the same, so that our God brought on us and on this city all this trouble? Yet you are adding to the wrath on Israel by profaning the sabbath.”

19 At nangyari, na nang ang pintuang-bayan ng Jerusalem ay magpasimulang magdilim bago dumating ang sabbath, aking iniutos na ang mga pintuan ay sarhan, at iniutos ko na huwag nilang buksan hanggang sa makaraan ang sabbath: at ang ilan sa aking mga lingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-bayan, upang walang maipasok na pasan sa araw ng sabbath.

19 It came about that just as it grew dark at the gates of Jerusalem before the sabbath, I commanded that the doors should be shut and that they should not open them until after the sabbath. Then I stationed some of my servants at the gates so that no load would enter on the sabbath day.

20 Sa gayo'y ang mga mangangalakal at manininda ng sarisaring kalakal, ay nangatigil sa labas ng Jerusalem na minsan o makalawa.

20 Once or twice the traders and merchants of every kind of merchandise spent the night outside Jerusalem.

21 Nang magkagayo'y nagpatotoo ako laban sa kanila, at nagsabi sa kanila, Bakit nagsisitigil kayo sa may kuta? kung kayo'y magsigawa uli ng ganiyan, aking pagbubuhatan ng kamay kayo. Mula nang panahong yaon ay hindi na sila naparoon pa ng sabbath.

21 Then I warned them and said to them, “Why do you spend the night in front of the wall? If you do so again, I will use force against you.” From that time on they did not come on the sabbath.

22 At ako'y nagutos sa mga Levita na sila'y mangagpakalinis, at sila'y magsiparoon, at ingatan ang mga pintuang-bayan, upang ipangilin ang araw ng sabbath. Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, dito man, at kahabagan mo ako ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan.

22 And I commanded the Levites that they should purify themselves and come as gatekeepers to sanctify the sabbath day. For this also remember me, O my God, and have compassion on me according to the greatness of Your lovingkindness.

23 Nang mga araw namang yaon ay nakita ko ang mga Judio na nangagaasawa sa mga babae ng Asdod, ng Ammon, at ng Moab:

23 In those days I also saw that the Jews had married women from Ashdod, Ammon and Moab.

24 At ang kanilang mga anak ay nagsasalita ng kalahati sa wikang Asdod, at hindi makapagsalita ng wikang Judio, kundi ayon sa wika ng bawa't bayan.

24 As for their children, half spoke in the language of Ashdod, and none of them was able to speak the language of Judah, but the language of his own people.

25 At ako'y nakipagtalo sa kanila, at sinumpa ko sila, at sinaktan ko ang iba sa kanila, at sinabunutan ko sila, at pinasumpa ko sila sa pamamagitan ng Dios, na sinasabi ko, Kayo'y huwag mangagbibigay ng inyong mga anak na babae na maging asawa sa kanilang mga anak na lalake, ni magsisikuha man ng kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake, o sa inyong sarili.

25 So I contended with them and cursed them and struck some of them and pulled out their hair, and made them swear by God, “You shall not give your daughters to their sons, nor take of their daughters for your sons or for yourselves.

26 Hindi ba nagkasala si Salomon na hari sa Israel sa pamamagitan ng mga bagay na ito? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya; at siya'y minahal ng kaniyang Dios, at ginawa siyang hari ng Dios sa buong Israel: gayon ma'y pinapagkasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa.

26 Did not Solomon king of Israel sin regarding these things? Yet among the many nations there was no king like him, and he was loved by his God, and God made him king over all Israel; nevertheless the foreign women caused even him to sin.

27 Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na malaking kasamaang ito, na sumalangsang laban sa ating Dios sa pagaasawa sa mga babaing taga ibang lupa?

27 Do we then hear about you that you have committed all this great evil by acting unfaithfully against our God by marrying foreign women?”

28 At isa sa mga anak ni Joiada, na anak ni Eliasib na dakilang saserdote, ay manugang ni Sanballat na Horonita: kaya't aking pinalayas siya sa akin.

28 Even one of the sons of Joiada, the son of Eliashib the high priest, was a son-in-law of Sanballat the Horonite, so I drove him away from me.

29 Alalahanin mo sila, Oh Dios ko, sapagka't kanilang dinumhan ang pagkasaserdote, at ang tipan ng pagkasaserdote at ng sa mga Levita.

29 Remember them, O my God, because they have defiled the priesthood and the covenant of the priesthood and the Levites.

30 Ganito ko nilinis sila sa lahat ng taga ibang lupa, at tinakdaan ko ng mga katungkulan ang mga saserdote at ang mga Levita, na bawa't isa'y sa kaniyang gawain;

30 Thus I purified them from everything foreign and appointed duties for the priests and the Levites, each in his task,

31 At tungkol sa kaloob na panggatong, sa mga takdang panahon, at tungkol sa mga unang bunga. Alalahanin mo ako, Oh Dios ko, sa ikabubuti.

31 and I arranged for the supply of wood at appointed times and for the first fruits. Remember me, O my God, for good.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org