1 Mga Hari 16:1

At ang salita ng Panginoon ay, dumating kay Jehu na anak ni Hanani, laban kay Baasa, na sinasabi,

2 Paralipomeno 19:2

At si Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya, at sinabi sa haring Josaphat: Tutulungan mo ba ang mga masama at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon.

2 Paralipomeno 20:34

Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, na una at huli, narito, nangakasulat sa kasaysayan ni Jehu na anak ni Hanani, na nasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel.

1 Mga Hari 16:7

At bukod dito'y, sa pamamagitan ng propetang si Jehu na anak ni Hanani, ay dumating ang salita ng Panginoon laban kay Baasa, at laban sa kaniyang sangbahayan, dahil sa lahat na kasamaan na kaniyang ginawa sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin siya sa galit sa pamamagitan ng gawa ng kaniyang mga kamay, sa pagkagaya sa sangbahayan ni Jeroboam, at sapagka't sinaktan din niya siya.

2 Paralipomeno 16:7-10

At nang panahong yaon ay naparoon kay Asa na hari sa Juda si Hanani na tagakita, at nagsabi sa kaniya, Sapagka't ikaw ay nagtiwala sa hari sa Siria, at hindi ka nagtiwala sa Panginoon mong Dios, kaya't ang hukbo ng hari sa Siria ay nagtanan sa iyong kamay.

1 Mga Hari 15:33

Nang ikatlong taon ni Asa na hari sa Juda, ay nagpasimulang maghari si Baasa na anak ni Ahia sa buong Israel sa Thirsa, at naghari na dalawang pu't apat na taon.

Treasury of Scripture Knowledge did not add