2 Paralipomeno 22:1

At ginawang hari ng mga taga Jerusalem si Ochozias na kaniyang bunsong anak na kahalili niya: sapagka't pinatay ang mga pinaka matanda sa kampamento ng pulutong na lalake na naparoon na kasama ng mga taga Arabia. Sa gayo'y si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda ay naghari.

2 Paralipomeno 21:16-17

At inudyukan ng Panginoon laban kay Joram ang diwa ng mga Filisteo, at ng mga taga Arabia na nangasa siping ng mga taga Etiopia:

2 Mga Hari 8:24-29

At si Joram ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

2 Paralipomeno 23:3

At ang buong kapisanan ay nakipagtipan sa hari sa bahay ng Dios. At sinabi niya sa kanila, Narito, ang anak ng hari ay maghahari, gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa mga anak ni David.

2 Paralipomeno 26:1

At kinuha ng buong bayan ng Juda si Uzzias na may labing anim na taon, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias.

2 Paralipomeno 33:25

Nguni't pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipanghimagsik laban sa haring Amon; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya.

2 Paralipomeno 36:1

Nang magkagayo'y kinuha ng bayan ng lupain si Joachaz na anak ni Josias, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama sa Jerusalem.

1 Paralipomeno 3:11

Si Joram na kaniyang anak, si Ochozias na kaniyang anak, si Joas na kaniyang anak;

Treasury of Scripture Knowledge did not add