1 At tumahan si Jacob sa lupaing pinangibahang lupain ng kaniyang ama, sa lupain ng Canaan.

1 Now Jacob lived in the land where his father had sojourned, in the land of Canaan.

2 Ito ang lahi ni Jacob. Si Jose, na may labing pitong taon, ay nagpapastol ng kawan na kasama ng kaniyang mga kapatid; at siya'y batang kasamahan ng mga anak ni Bilha at ng mga anak ni Zilpa, na mga asawa ng kaniyang ama; at ibinalita ni Jose sa kanilang ama ang kasamaan nila.

2 These are the records of the generations of Jacob.Joseph, when seventeen years of age, was pasturing the flock with his brothers while he was still a youth, along with the sons of Bilhah and the sons of Zilpah, his father’s wives. And Joseph brought back a bad report about them to their father.

3 Minamahal nga ni Israel si Jose ng higit kay sa lahat niyang anak, sapagka't siya ang anak ng kaniyang katandaan: at siya'y iginawa ng isang tunika na may sarisaring kulay.

3 Now Israel loved Joseph more than all his sons, because he was the son of his old age; and he made him a varicolored tunic.

4 At nakita ng kaniyang mga kapatid na siya'y minamahal ng kanilang ama ng higit kay sa lahat niyang kapatid; at siya'y kinapootan, at hindi nila mapagsalitaan siya ng payapa.

4 His brothers saw that their father loved him more than all his brothers; and so they hated him and could not speak to him on friendly terms.

5 At nanaginip si Jose ng isang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid: at lalo pa nilang kinapootan siya.

5 Then Joseph had a dream, and when he told it to his brothers, they hated him even more.

6 At sinabi niya sa kanila. Pakinggan ninyo, ipinamamanhik ko sa inyo, itong panaginip na aking napanaginip:

6 He said to them, “Please listen to this dream which I have had;

7 Sapagka't, narito, tayo'y nagtatali ng mga bigkis ng trigo sa bukid, at, narito, na tumindig ang aking bigkis, at tumuwid din naman at, narito, ang inyong mga bigkis ay napasa palibot at yumukod sa aking bigkis.

7 for behold, we were binding sheaves in the field, and lo, my sheaf rose up and also stood erect; and behold, your sheaves gathered around and bowed down to my sheaf.”

8 At sa kaniya'y sinabi ng kaniyang mga kapatid, Maghahari ka ba sa amin? o papapanginoon ka sa amin? At lalo pa siyang kinapootan nila dahil sa kaniyang mga panaginip at sa kaniyang mga salita.

8 Then his brothers said to him, “Are you actually going to reign over us? Or are you really going to rule over us?” So they hated him even more for his dreams and for his words.

9 At siya'y nanaginip pa ng ibang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid, at sinabi, Narito, ako'y nanaginip pa ng isang panaginip; at narito, na ang araw, at ang buwan at ang labing isang bituin ay yumukod sa akin.

9 Now he had still another dream, and related it to his brothers, and said, “Lo, I have had still another dream; and behold, the sun and the moon and eleven stars were bowing down to me.”

10 At kaniyang isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang mga kapatid; at sinaway siya ng kaniyang ama, at sa kaniya'y sinabi, Anong panaginip itong iyong napanaginip? Tunay bang ako at ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay yuyukod sa lupa sa harap mo?

10 He related it to his father and to his brothers; and his father rebuked him and said to him, “What is this dream that you have had? Shall I and your mother and your brothers actually come to bow ourselves down before you to the ground?”

11 At ang kaniyang mga kapatid ay nainggit sa kaniya: datapuwa't iningatan ng kaniyang ama ang salita sa pagiisip.

11 His brothers were jealous of him, but his father kept the saying in mind.

12 At yumaon ang kaniyang mga kapatid upang magpastol ng kawan ng kanilang ama, sa Sichem.

12 Then his brothers went to pasture their father’s flock in Shechem.

13 At sinabi ni Israel kay Jose, Di ba nagpapastol ng kawan sa Sichem ang iyong mga kapatid? Halika, at uutusan kita sa kanila. At sinabi niya sa kaniya, Narito ako.

13 Israel said to Joseph, “Are not your brothers pasturing the flock in Shechem? Come, and I will send you to them.” And he said to him, “I will go.”

14 At kaniyang sinabi sa kaniya, Yumaon ka, tingnan mo kung mabuti ang lagay ng iyong mga kapatid, at kung mabuti ang lagay ng kawan; at balitaan mo ako. Gayon sinugo siya mula sa libis ng Hebron, at siya'y naparoon sa Sichem.

14 Then he said to him, “Go now and see about the welfare of your brothers and the welfare of the flock, and bring word back to me.” So he sent him from the valley of Hebron, and he came to Shechem.

15 At nasumpungan siya ng isang tao, at, narito, na siya'y naggagala sa parang; at siya'y tinanong ng taong yaon, na sinasabi, Anong hinahanap mo?

15 A man found him, and behold, he was wandering in the field; and the man asked him, “What are you looking for?”

16 At kaniyang sinabi, Hinahanap ko ang aking mga kapatid; ipinamamanhik ko sa iyo na sabihin mo sa akin kung saan sila nagpapastol.

16 He said, “I am looking for my brothers; please tell me where they are pasturing the flock.”

17 At sinabi ng tao, Nagsialis na sila: sapagka't narinig kong kanilang sinabi, Tayo na sa Dotan. At sinundan ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at nasumpungan niya sila sa Dotan.

17 Then the man said, “They have moved from here; for I heard them say, ‘Let us go to Dothan.’” So Joseph went after his brothers and found them at Dothan.

18 At kanilang natanawan siya sa malayo, at bago nakalapit sa kanila ay nagbanta sila laban sa kaniya na siya'y patayin.

18 When they saw him from a distance and before he came close to them, they plotted against him to put him to death.

19 At nagsangusapan, Narito, dumarating itong mapanaginipin.

19 They said to one another, “Here comes this dreamer!

20 Halikayo ngayon, siya'y ating patayin, at siya'y ating itapon sa isa sa mga balon, at ating sasabihin, Sinakmal siya ng isang masamang hayop: at ating makikita kung anong mangyayari sa kaniyang mga panaginip.

20 Now then, come and let us kill him and throw him into one of the pits; and we will say, ‘A wild beast devoured him.’ Then let us see what will become of his dreams!”

21 At narinig ni Ruben, at iniligtas siya sa kanilang kamay; at sinabi, Huwag nating kitlin ang kaniyang buhay.

21 But Reuben heard this and rescued him out of their hands and said, “Let us not take his life.”

22 At sinabi ni Ruben sa kanila, Huwag kayong magbubo ng dugo; itapon ninyo sa balong ito na nasa ilang, datapuwa't huwag ninyong pagbuhatan ng kamay; upang iligtas sa kanilang kamay ng mapabalik sa kaniyang ama.

22 Reuben further said to them, “Shed no blood. Throw him into this pit that is in the wilderness, but do not lay hands on him”—that he might rescue him out of their hands, to restore him to his father.

23 At nangyari, nang dumating si Jose sa kaniyang mga kapatid, na hinubdan siya ng kaniyang tunika, ng tunikang may sarisaring kulay na kaniyang suot;

23 So it came about, when Joseph reached his brothers, that they stripped Joseph of his tunic, the varicolored tunic that was on him;

24 At kanilang sinunggaban, at kanilang itinapon sa balon: at ang balon ay tuyo, walang tubig.

24 and they took him and threw him into the pit. Now the pit was empty, without any water in it.

25 At nagsiupo upang kumain ng tinapay, at kanilang itiningin ang kanilang mga mata at tumingin sila, at, narito, ang isang pulutong na mga Ismaelita na nagsisipanggaling sa Gilead sangpu ng kanilang mga kamelyo at may dalang mga pabango, at mga balsamo, at mga mirra, na kanilang dadalhin sa Egipto.

25 Then they sat down to eat a meal. And as they raised their eyes and looked, behold, a caravan of Ishmaelites was coming from Gilead, with their camels bearing aromatic gum and balm and myrrh, on their way to bring them down to Egypt.

26 At sinabi ni Juda sa kaniyang mga kapatid. Anong ating mapapakinabang kung ating patayin ang ating kapatid, at ilihim ang kaniyang dugo?

26 Judah said to his brothers, “What profit is it for us to kill our brother and cover up his blood?

27 Halikayo, at atin siyang ipagbili sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; sapagka't siya'y ating kapatid, atin din laman. At dininig siya ng kaniyang mga kapatid.

27 Come and let us sell him to the Ishmaelites and not lay our hands on him, for he is our brother, our own flesh.” And his brothers listened to him.

28 At nagsisipagdaan ang mga mangangalakal na mga Midianita; at kanilang isinampa si Jose sa balon, at ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita ng dalawang pung putol na pilak. At dinala si Jose sa Egipto.

28 Then some Midianite traders passed by, so they pulled him up and lifted Joseph out of the pit, and sold him to the Ishmaelites for twenty shekels of silver. Thus they brought Joseph into Egypt.

29 At nagbalik si Ruben sa balon; at, narito, na si Jose ay wala sa balon; at kaniyang hinapak ang kaniyang mga suot.

29 Now Reuben returned to the pit, and behold, Joseph was not in the pit; so he tore his garments.

30 At siya'y nagbalik sa kaniyang mga kapatid, at kaniyang sinabi, Wala ang bata; at ako, saan ako paroroon?

30 He returned to his brothers and said, “The boy is not there; as for me, where am I to go?”

31 At kanilang kinuha ang tunika ni Jose, at sila'y pumatay ng isang lalaking kambing, at kanilang inilubog ang tunika sa dugo:

31 So they took Joseph’s tunic, and slaughtered a male goat and dipped the tunic in the blood;

32 At kanilang ipinadala ang tunikang may sarisaring kulay, at dinala sa kanilang ama; at kanilang sinabi, Ito'y aming nasumpungan: kilalanin mo ngayon, kung tunika ng iyong anak o hindi.

32 and they sent the varicolored tunic and brought it to their father and said, “We found this; please examine it to see whether it is your son’s tunic or not.”

33 At kaniyang kinilala, at sinabi, Siya ngang tunika ng aking anak; sinakmal siya ng isang masamang hayop; si Jose ay walang pagsalang nilapa.

33 Then he examined it and said, “It is my son’s tunic. A wild beast has devoured him; Joseph has surely been torn to pieces!”

34 At hinapak ni Jacob ang kaniyang mga suot, at kaniyang nilagyan ng magaspang na damit ang kaniyang mga balakang, at tinangisang maraming araw ang kaniyang anak.

34 So Jacob tore his clothes, and put sackcloth on his loins and mourned for his son many days.

35 At nagsitindig ang lahat niyang mga anak na lalake at babae upang siya'y aliwin; datapuwa't tumanggi siyang maaliw; at kaniyang sinabi, Sapagka't lulusong akong tumatangis sa aking anak hanggang sa Sheol. At tinangisan siya ng kaniyang ama.

35 Then all his sons and all his daughters arose to comfort him, but he refused to be comforted. And he said, “Surely I will go down to Sheol in mourning for my son.” So his father wept for him.

36 At ipinagbili siya ng mga Midianita sa Egipto kay Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay.

36 Meanwhile, the Midianites sold him in Egypt to Potiphar, Pharaoh’s officer, the captain of the bodyguard.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org