5 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa 666

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Pahayag 13:18

Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.

2 Paralipomeno 9:13

Ang timbang nga ng ginto na dumating kay Salomon sa isang taon ay anim na raan at anim na pu't anim na talentong ginto,

Ezra 2:13

Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't anim.

Pahayag 13:16-18

At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.

Pahayag 20:4

At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.

Never miss a post

n/a