67 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pananaw

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

2 Timoteo 2:7

Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.

Job 33:23

Kung doroong kasama niya ang isang anghel, isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo, upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya;

Daniel 9:20-22

At samantalang ako'y nagsasalita, at nananalangin, at nagpapahayag ng aking kasalanan at ng kasalanan ng aking bayang Israel, at naghaharap ng aking samo sa harap ng Panginoon kong Dios dahil sa banal na bundok ng aking Dios; Oo, samantalang ako'y nagsasalita sa panalangin, ang lalaking si Gabriel, na aking nakita sa pangitain nang una, na pinalipad ng maliksi, hinipo ako sa panahon ng pagaalay sa hapon. At kaniya akong tinuruan, at nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi, Oh Daniel, ako'y lumabas ngayon upang bigyan ka ng karunungan at kaunawaan.

Lucas 24:45-47

Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan; At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw; At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.

Mateo 16:12

Nang magkagayo'y kanilang natalastas na sa kanila'y hindi ipinagutos na sila'y magsipagingat sa lebadura ng tinapay, kundi sa mga aral ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.

1 Corinto 2:9-13

Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya. Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios. Sapagka't sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios.magbasa pa.
Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.

Isaias 64:4

Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya.

Mga Taga-Efeso 3:4-5

Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala sa hiwaga ni Cristo; Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu;

Job 9:11

Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan.

1 Corinto 1:20-21

Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan? Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.

Mga Taga-Colosas 2:2-3

Upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pagibig, at sa lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila ang hiwaga ng Dios, sa makatuwid baga'y si Cristo, Na siyang kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.

Juan 16:12-15

Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.magbasa pa.
Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin: kaya sinabi ko, na siya'y kukuha sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.

Mga Taga-Efeso 1:18-19

Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal, At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas,

Mga Gawa 10:34-35

At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao: Kundi sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya.

Mga Taga-Efeso 3:2-6

Kung tunay na inyong narinig yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo; Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala sa akin ang hiwaga, gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita. Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala sa hiwaga ni Cristo;magbasa pa.
Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu; Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana, at mga kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio,

Pahayag 13:18

Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.

Genesis 45:4-8

At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, Lumapit kayo sa akin, isinasamo ko sa inyo. At sila'y lumapit. At kaniyang sinabi: Ako'y si Jose na inyong kapatid, na inyong ipinagbili upang dalhin sa Egipto. At ngayo'y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagka't sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay. Sapagka't may dalawang taon nang ang kagutom ay nasa lupain; at may limang taon pang hindi magkakaroon ng pagbubukid, o pagaani man.magbasa pa.
At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa, at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas. Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios: at kaniya akong ginawang ama kay Faraon, at panginoon sa buo niyang bahay, at tagapamahala ng buong lupain ng Egipto.

2 Samuel 5:12

At nahalata ni David, na itinalaga siya ng Panginoon na maging hari sa Israel, at kaniyang itinaas ang kaniyang kaharian dahil sa kaniyang bayang Israel.

1 Paralipomeno 14:2

At nahalata ni David na itinatag siyang hari ng Panginoon sa Israel; sapagka't ang kaniyang kaharian ay itinaas ng mataas, dahil sa kaniyang bayang Israel.

Job 42:1-6

Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi, Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang akala na mapipigil. Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman? Kaya't aking sinambit na hindi ko nauunawa, mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman.magbasa pa.
Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako'y magsasalita; ako'y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin. Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata, Kaya't ako'y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo.

Job 15:9

Anong nalalaman mo na di namin nalalaman? Anong nauunawa mo na wala sa amin?

Job 26:3

Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman!

Job 34:35

Si Job ay nagsasalita ng walang kaalaman. At ang kaniyang mga salita ay walang karunungan.

Mga Taga-Filipos 1:9-11

At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala; Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo; Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.

Mga Taga-Colosas 1:9-10

Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu, Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;

Kawikaan 5:1-4

Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa: Upang makapagingat ka ng kabaitan, at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman. Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis:magbasa pa.
Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila.

2 Mga Hari 4:8-9

At nangyari, isang araw na si Eliseo ay nagdaan sa Sunem, na kinaroroonan ng isang dakilang babae; at pinilit siya niya na kumain ng tinapay. At nagkagayon, na sa tuwing siya'y daraan doon ay lumiliko roon upang kumain ng tinapay. At sinabi niya sa kaniyang asawa, Narito ngayon, aking nahahalata na ito'y isang banal na lalake ng Dios na nagdadaan sa ating palagi.

Nehemias 6:1-2

Nangyari nga nang maibalita kay Sanballat at kay Tobias, at kay Gesem na taga Arabia, at sa nalabi sa aming mga kaaway, na aking naitayo na ang kuta, at wala nang sirang naiiwan doon; (bagaman hanggang sa panahong yaon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan;) Na si Sanballat at si Gesem ay nagsugo sa akin, na nagpapasabi, Ikaw ay parito, magkikita tayo sa isa ng mga nayon sa mga kapatagan ng Ono. Nguni't pinagisipan nila akong gawan ng masama.

Mateo 9:3-4

At narito, ang ilan sa mga eskriba ay nangagsabi sa kanilang sarili, Ang taong ito'y namumusong. At pagkaunawa ni Jesus ng kanilang mga kaisipan, ay sinabi, Bakit nangagiisip kayo ng masama sa inyong mga puso?

Marcos 2:6-8

Nguni't mayroon doong nangakaupong ilan sa mga eskriba, at nangagbubulaybulay sa kanilang mga puso, Bakit nagsasalita ang taong ito ng ganito? siya'y namumusong: sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi isa, ang Dios lamang? At pagkaunawa ni Jesus, sa kaniyang espiritu na sila'y nangagbubulaybulay sa kanilang sarili, pagdaka'y sinabi sa kanila, Bakit binubulaybulay ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga puso?

Lucas 5:21-22

At ang mga eskriba at mga Fariseo ay nangagpasimulang mangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan? Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan, kundi ang Dios lamang? Datapuwa't si Jesus, na nakatatanto ng kanilang mga iniisip, ay sumagot at sinabi sa kanila, Bakit pinagbubulaybulay ninyo sa inyong mga puso?

Kawikaan 2:3-5

Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa; Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago. Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.

Kawikaan 3:21

Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan;

1 Mga Hari 3:9-12

Bigyan mo nga ang iyong lingkod ng isang matalinong puso upang humatol sa iyong bayan, upang aking makilala ang mabuti at ang masama; sapagka't sino ang makahahatol dito sa iyong malaking bayan? At ang pangungusap ay nakalugod sa Panginoon, na hiningi ni Salomon ang bagay na ito. At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan;magbasa pa.
Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa't walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo.

2 Paralipomeno 1:10-12

Bigyan mo ako ngayon ng karunungan at kaalaman, upang ako'y makapaglabas pumasok sa harap ng bayang ito: sapagka't sinong makahahatol dito sa iyong bayan na totoong malaki? At sinabi ng Dios kay Salomon, Sapagka't ito ang sumaiyong puso, at hindi ka humingi ng kayamanan, pag-aari o karangalan o ng buhay man ng nangapopoot sa iyo, o humingi ka kaya ng mahabang buhay; kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman sa ganang iyong sarili, upang iyong mahatulan ang aking bayan, na aking pinaggawan sa iyo na hari: Karunungan at kaalaman ay nabigay sa iyo; at bibigyan kita ng kayamanan, at pag-aari, at karangalan na walang hari na una sa iyo na nagkaroon ng ganyan, o sinoman ay magkakaroon ng gayong pagkamatay mo.

Awit 119:98-100

Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin. Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko. Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

Awit 119:104

Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

Daniel 9:2

Nang unang taon ng kaniyang paghahari akong si Daniel ay nakaunawa sa pamamagitan ng mga aklat, ng bilang ng mga taon, na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na propeta, dahil sa pagkaganap ng pagkasira ng Jerusalem, pitong pung taon.

1 Mga Hari 4:29-34

At binigyan ng Dios si Salomon ng karunungan, at di kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat. At ang karunungan ni Salomon ay mahigit kay sa karunungan ng lahat na anak ng silanganan, at kay sa buong karunungan ng Egipto. Sapagka't lalong pantas kay sa lahat ng mga tao; kay sa kay Ethan na Ezrahita, at kay Eman, at kay Calchol, at kay Darda, na mga anak ni Mahol: at ang kaniyang kabantugan ay lumipana sa lahat ng mga bansa sa palibot.magbasa pa.
At siya'y nagsalita ng tatlong libong kawikaan; at ang kaniyang mga awit ay isang libo at lima. At siya'y nagsalita ng tungkol sa mga punong kahoy, mula sa sedro na nasa Libano hanggang sa isopo na sumisibol sa pader: siya'y nagsalita rin ng tungkol sa mga hayop, at sa mga ibon, at sa nagsisiusad at sa mga isda. At naparoon ang mga taong mula sa lahat na bayan, upang marinig ang karunungan ni Salomon na mula sa lahat na hari sa lupa, na nakabalita ng kaniyang karunungan.

1 Paralipomeno 27:32

At si Jonathan na amain ni David ay kasangguni at lalaking matalino, at kalihim; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay nasa mga anak ng hari:

Daniel 5:11

May isang lalake sa iyong kaharian na kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios; at sa mga kaarawan ng iyong ama, ay nasumpungan sa kaniya ang liwanag at unawa at karunungan, na gaya ng karunungan ng mga dios; at ang haring Nabucodonosor, na iyong ama, ang hari, sinasabi ko, ang iyong ama, ay ginawa niya siyang panginoon ng mga mago, ng mga enkantador, ng mga Caldeo, at ng mga manghuhula;

Mateo 16:9-11

Hindi pa baga ninyo natatalastas, at hindi ninyo naaalaala ang limang tinapay sa limang libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit? Ni yaong pitong tinapay sa apat na libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit? Ano't hindi ninyo napaguunawa na hindi ang sinabi ko sa inyo'y tungkol sa tinapay? Datapuwa't kayo'y mangagingat sa lebadura ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.

Marcos 8:17-21

At pagkahalata nito ni Jesus ay sinabi sa kanila, Bakit nangagbubulaybulay kayo, sapagka't wala kayong tinapay? hindi pa baga ninyo napaghahalata, ni napaguunawa man? nangagmatigas na baga ang inyong puso? Mayroon kayong mga mata, hindi baga kayo nangakakakita? at mayroon kayong mga tainga, hindi baga kayo nangakakarinig? at hindi baga ninyo nangaaalaala? Nang aking pagputolputulin ang limang tinapay sa limang libong lalake, ilang bakol na puno ng mga pinagputolputol ang inyong binuhat? Sinabi nila sa kaniya, Labingdalawa.magbasa pa.
At nang pagputolputulin ang pitong tinapay sa apat na libo, ilang bakol na puno ng mga pinagputolputol ang binuhat ninyo? At sinabi nila sa kaniya, Pito. At sinabi niya sa kanila, Hindi pa baga ninyo napaguunawa?

Mateo 16:22

At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.

Marcos 8:32

At hayag na sinabi niya ang pananalitang ito. At isinama siya ni Pedro, at pinasimulang siya'y pagwikaan.

Juan 3:10

Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ikaw ang guro sa Israel, at hindi mo nauunawa ang mga bagay na ito?

Juan 20:2

Tumakbo nga siya, at naparoon kay Simon Pedro, at sa isang alagad na iniibig ni Jesus, at sa kanila'y sinabi, Kinuha nila sa libingan ang Panginoon, at hindi namin maalaman kung saan nila siya inilagay.

Topics on Pananaw

Jesus, ang Kanyang Pananaw sa Kinasihang Kasulatan

Mateo 5:17-19

Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.

Juan, kanyang Pananaw sa Kinasihang Kasulatan

1 Juan 1:1-5

Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay;

Kalayaan, Pananaw tungkol sa

Mga Taga-Roma 6:1-2

Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana?

Pananaw

1 Corinto 9:8

Ang mga ito baga'y sinasalita ko ayon sa kaugalian lamang ng mga tao? o di baga sinasabi rin naman ang gayon ng kautusan?

Pananaw, Mga

1 Corinto 7:25

Ngayon, tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon: nguni't ibinibigay ko ang aking pasiya, na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan.

Never miss a post

n/a