29 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Bagyo, Mga
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Datapuwa't hindi nalaon at humampas na galing doon ang maunos na hangin, na tinatawag na Euraclidon:
Siya'y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog, at ng lindol, at ng malaking kaingay, ng ipoipo at bagyo, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy.
Sapagka't, narito, ang Panginoon ay darating na may apoy, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan, at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy.
At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.
Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos.
Narito, ang bagyo ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay lumabas, oo, ipoipong bagyo: babagsak sa ulo ng masama.
At ang Panginoo'y makikita sa itaas nila; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat; at ang Panginoong Dios ay hihihip ng pakakak, at yayaon na kasama ng mga ipoipo sa timugan.
Mula sa timog nanggagaling ang bagyo: at ang ginaw ay mula sa hilagaan.
Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin: ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng kaniyang mga paa.
Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.
Sapagka't sila'y nangagsasabog ng hangin, at sila'y magsisiani ng ipoipo: siya'y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga taga ibang lupa.
Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama: nguni't ang matuwid ay walang hanggang patibayan.
Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin, at gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo?
Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.
Nguni't aking papagniningasin ang isang apoy sa kuta ng Rabba, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon, na may hiyawan sa kaarawan ng pagbabaka, na may bagyo sa kaarawan ng ipoipo;
At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;
At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni't ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong na tinig.
Nguni't ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa't ang sasakyan ay halos masira.
Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi,
Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.
Narito, ang unos ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay bumulalas na parang buhawi: hahampas sa ulo ng masama.
Ang mga ito'y mga bukal na walang tubig, mga ulap na tinatangay ng unos; na sa kanila'y itinaan ang kapusikitan ng kadiliman;
At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.
At, narito, dumating ang malakas na hangin na mula sa ilang, at hinampas ang apat na sulok ng bahay, at lumagpak sa mga binata, at sila'y nangamatay; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.
Topics on Bagyo, Mga
Bagyo, Mga
Exodo 9:24Sa gayo'y nagkaroon ng granizo at apoy, na nagniningning sa granizo, at napakalakas, na kailan ma'y hindi nagkaroon sa buong lupain ng Egipto mula nang maging bansa.
Mga Katulad na Paksa
- Abo
- Alon
- Ang Unos ng Buhay
- Apoy ng Kahatulan
- Asal Hayop na Pamumuhay
- Bagyo, Mga
- Bakas ng Paa
- Bilis ng Galit ng Diyos
- Bunga ng Kasalanan
- Diyos na Kontrolado ang Bagyo
- Diyos na Nagsusugo ng Hangin
- Diyos na Nagtatatag sa Atin
- Diyos sa Hangin
- Diyos, Kadakilaan ng
- Diyos, Katiyagaan ng
- Diyos, Tinig ng
- Gulong, Mga
- Hamog na Nagyeyelo
- Hangin
- Hindi Inaani ang Iyong Itinanim
- Hindi Pagbubunga
- Inaani
- Inaani ang iyong Itinanim
- Ipoipo
- Kahatulan ng Masama
- Kamatayan ng mga Masama
- Kapangyarihan ng Diyos, Inilarawan
- Karwahe
- Katatagan
- Klima, Uri ng
- Lagay ng Panahon
- Lagay ng Panahon bilang Hatol ng Diyos
- Lagay ng Panahon sa mga Huling Araw
- Lamig, Literal na Gamit ng
- Lindol
- Makalangit na Karwahe
- Makapangyarihan sa Lahat, Ang
- Malamig na Klima
- Masama, Babala laban sa
- Masama, Inilalarawan Bilang
- Matitiyaga
- Mga Taong Lumilisan
- Mula sa Hilaga
- Nakatayo
- Paa, Mga
- Paghihirap mula sa mga Banyaga
- Pagpapakita ng Diyos sa Apoy
- Pagpapawalang-sala
- Pagtatanim
- Pagtatanim at Pagaani
- Sala
- Sasakyan
- Tanda ng Huling mga Panahon, Mga
- Tao, Ang Kanyang Walang Hanggang Katangian
- Ulap, Presensya ng Diyos sa mga
- Usap-Usapan
- Yapak ng Paa