78 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Kasaysayan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 45:5-8

At ngayo'y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagka't sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay. Sapagka't may dalawang taon nang ang kagutom ay nasa lupain; at may limang taon pang hindi magkakaroon ng pagbubukid, o pagaani man. At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa, at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas.magbasa pa.
Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios: at kaniya akong ginawang ama kay Faraon, at panginoon sa buo niyang bahay, at tagapamahala ng buong lupain ng Egipto.

1 Mga Hari 12:15

Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan; sapagka't bagay na buhat sa Panginoon upang kaniyang itatag ang kaniyang salita, na sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat.

2 Paralipomeno 10:15

Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan: sapagka't buhat sa Dios, upang itatag ng Panginoon ang kaniyang sinalita sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat.

Daniel 4:25

Na ikaw ay mahihiwalay sa mga tao, at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang, at ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka, at mababasa ka ng hamog ng langit, at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya.

Daniel 7:25

At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.

Amos 9:7

Di baga kayo'y parang mga anak ng mga taga Etiopia sa akin, Oh mga anak ni Israel? sabi ng Panginoon. Hindi ko baga pinasampa ang Israel mula sa lupain ng Egipto, at ang mga Filisteo, ay mula sa Caphtor, at ang mga taga Siria ay sa Chir?

Isaias 14:24-27

Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking pinanukala, gayon mananayo: Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain, at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa; kung magkagayo'y mahihiwalay ang kaniyang atang sa kanila, at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat. Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa.magbasa pa.
Sapagka't pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang kaniyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong?

Isaias 37:26

Hindi mo baga nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na, at aking pinanukala ng una? ngayo'y aking pinapangyari, upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guhong bunton.

Isaias 46:10-11

Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan: Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.

Isaias 46:9

Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;

Exodo 10:2

At upang iyong maisaysay sa mga pakinig ng iyong anak, at sa anak ng iyong anak, kung anong mga bagay ang ginawa ko sa Egipto, at ang aking mga tandang ginawa sa gitna nila; upang inyong maalaman, na ako ang Panginoon.

Deuteronomio 4:32-35

Sapagka't ipagtanong mo nga sa mga araw na nagdaan, na nangauna sa iyo, mula nang araw na lalangin ng Dios ang tao sa ibabaw ng lupa, at mula sa isang hangganan ng langit hanggang sa kabila, kung nagkaroon ng gaya ng dakilang bagay na ito, o may narinig na gaya nito? Narinig ba kaya kailan man ng mga tao ang tinig ng Dios na nagsalita sa gitna ng apoy, gaya ng narinig mo, at nabuhay? O may Dios kaya na nagsikap na yumaon at sumakop ng isang bansa sa gitna ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga tukso, ng mga tanda, at ng mga kababalaghan, at ng pagbabaka, at ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng mga malaking kakilabutan ayon sa lahat na ginawa ng Panginoon mong Dios sa iyo sa Egipto, sa harap ng iyong mga mata?magbasa pa.
Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios; wala nang iba liban sa kaniya.

Awit 77:11-15

Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una. Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?magbasa pa.
Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas: iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao. Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan, ang mga anak ng Jacob at ng Jose. (Selah)

Isaias 43:10-13

Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko. Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas. Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.magbasa pa.
Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil?

Isaias 44:6-8

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios. At sino, na gaya ko, tatawag, at magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila. Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

Mikas 6:5

Oh bayan ko, alalahanin mo ngayon kung ano ang isinangguni ni Balac na hari sa Moab, at kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor; alalahanin mo mula sa Sittem hanggang sa Gilgal, upang iyong maalaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon.

Awit 126:2

Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay.

1 Mga Hari 8:56-60

Purihin ang Panginoon na nagbigay kapahingahan sa kaniyang bayang Israel, ayon sa lahat na kaniyang ipinangako: walang nagkulang na isang salita sa lahat niyang mabuting pangako, na kaniyang ipinangako sa pamamagitan ni Moises na kaniyang lingkod. Sumaatin nawa ang Panginoon nating Dios, kung paanong siya'y sumaating mga magulang: huwag niya tayong iwan o pabayaan man; Upang kaniyang ihilig ang ating mga puso sa kaniya, upang magsilakad sa lahat ng kaniyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, na kaniyang iniutos sa ating mga magulang.magbasa pa.
At ang mga salitang ito na aking idinalangin sa harap ng Panginoon ay malapit nawa sa Panginoon nating Dios sa araw at gabi, na kaniyang alalayan ang usap ng kaniyang lingkod, at ang usap ng kaniyang bayang Israel, ayon sa kailangan sa araw araw; Upang maalaman ng lahat na bayan sa lupa, na ang Panginoon ay siyang Dios: walang iba.

Levitico 23:42-43

Kayo'y tatahan sa mga balag na pitong araw; yaong lahat ng tubo sa Israel ay tatahan sa mga balag: Upang maalaman ng inyong mga lahi na sa mga balag pinatahan ko ang mga anak ni Israel, nang aking ilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios.

Deuteronomio 16:1-6

Magdidiwang ka sa buwan ng Abib, at ipangingilin ang paskua sa Panginoon mong Dios: sapagka't sa buwan ng Abib inilabas ka ng Panginoon mong Dios sa Egipto sa gabi. At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Dios, ang sa kawan at sa bakahan, sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan. Huwag kang kakain sa paskua ng tinapay na may lebadura; pitong araw na kakanin mo sa paskua ang tinapay na walang lebadura, ang tinapay ng pagkapighati; sapagka't umalis kang madalian sa lupain ng Egipto: upang iyong maalaala ang araw na inialis mo sa lupain ng Egipto sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.magbasa pa.
At pitong araw na walang makikitang lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga hangganan; ni sa anomang karne na iyong ihahain sa unang araw sa paglubog ng araw ay walang maiiwan sa buong gabi, hanggang sa umaga; Hindi mo maihahain ang paskua sa loob ng alin man sa iyong mga pintuang-daan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios: Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan, ay doon mo ihahain ang paskua sa pagtatakip silim, sa paglubog ng araw, sa panahon na iyong inialis sa Egipto.

Awit 78:2-7

Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una: Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang. Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.magbasa pa.
Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak: Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak: Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:

Deuteronomio 32:7-9

Alalahanin mo ang mga araw ng una, Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi: Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo; Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo. Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana, Nang kaniyang ihiwalay ang mga anak ng tao, Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel. Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan; Si Jacob ang bahaging mana niya.

Mga Hukom 6:13

At sinabi ni Gedeon sa kaniya, Oh Panginoon ko, kung ang Panginoon ay sumasaamin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na sinasabi, Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto? nguni't ngayo'y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian.

Awit 44:1-3

Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios, isinaysay sa amin ng aming mga magulang, kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan, ng mga kaarawan ng una. Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa, nguni't itinatag mo sila; iyong dinalamhati ang mga bayan, nguni't iyong pinangalat sila. Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay: kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng liwanag ng iyong mukha, sapagka't iyong nilingap sila.

Mga Taga-Efeso 1:9-10

Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,

Daniel 7:13-14

Ako'y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao, at siya'y naparoon sa matanda sa mga araw, at inilapit nila siya sa harap niya. At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.

Lucas 1:1-4

Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin, Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita, Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;magbasa pa.
Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.

1 Juan 1:1-3

Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay; (At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag); Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:

1 Corinto 11:23-25

Sapagka't tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay; At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.

Lucas 22:19-20

At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.

Mga Gawa 1:3

Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios:

Lucas 24:1-3

Datapuwa't nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda. At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus.

Juan 20:27

Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.

1 Corinto 15:3-8

Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan; At siya'y napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa;magbasa pa.
Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa't ang mga iba'y nangatulog na; Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga apostol; At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya sa akin.

Lucas 1:1-2

Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin, Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita,

Mateo 2:1

Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi,

Lucas 3:1-2

Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni Tiberio Cesar, na noo'y gobernador sa Judea si Poncio Pilato, at tetrarka sa Galilea si Herodes, at ang kaniyang kapatid na si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia, Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote si Anas at si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay Juan, anak ni Zacarias, sa ilang.

Mateo 14:3-4

Sapagka't hinuli ni Herodes si Juan, at siya'y iginapos, at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid. Sapagka't sinabi ni Juan sa kaniya, Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya.

Marcos 6:17-18

Sapagka't si Herodes din ang nagsugo sa mga kawal at nagpahuli kay Juan, at nagpatanikala sa kaniya sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Filipo na kaniyang kapatid; sapagka't nagasawa siya sa kaniya. Sapagka't sinabi ni Juan kay Herodes, Hindi matuwid sa iyo na iyong ariin ang asawa ng iyong kapatid.

Mga Gawa 5:37

Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng pagpapasulat, at nakahila siya ng marami sa bayan: siya'y nalipol rin; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod ay pawang nagsipangalat.

Genesis 3:6-7

At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain. At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.

Genesis 12:1-3

Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo: At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran: At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.

Exodo 13:3

At sinabi ni Moises sa bayan, Alalahanin ninyo ang araw na ito na inialis ninyo sa Egipto, sa bahay ng pagkaalipin; sapagka't sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay hinango kayo ng Panginoon sa dakong ito, wala sinomang kakain ng tinapay na may lebadura.

Exodo 19:4-6

Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo'y inilapit ko sa akin din. Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin; At kayo'y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.

Mga Hebreo 1:1-2

Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;

1 Corinto 15:3-4

Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan;

Mga Taga-Filipos 2:6-11

Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.magbasa pa.
Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.

Mga Hebreo 1:3-4

Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan; Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.

Topics on Kasaysayan

Babilonya, Kasaysayan ng

Genesis 10:8-10

At naging anak ni Cush si Nimrod: siyang napasimulang maging makapangyarihan sa lupa.

Jerusalem, Kasaysayan ng

Mga Hukom 19:9-12

At nang tumindig ang lalake upang yumaon, siya, at ang kaniyang babae, at ang kaniyang bataan, ay sinabi ng kaniyang biyanan, na ama ng kaniyang babae, sa kaniya, Narito, ngayo'y ang araw ay gumagabi na, isinasamo ko sa inyong magpahinga sa buong gabi: narito, ang araw ay nananaw; tumigil dito, upang ang iyong puso ay sumaya; at bukas ay yumaon kayong maaga sa inyong paglakad, upang makauwi ka.

Kasaysayan ng mga Bansa

Ezekiel 5:5

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ito ay Jerusalem; inilagay ko siya sa gitna ng mga bansa, at mga lupain ay nangasa palibot niya.

Pagsamba kay Baal, Kasaysayan ng

Mga Bilang 25:3-5

At ang Israel ay nakilakip sa diosdiosang Baal-peor; at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel.

Never miss a post

n/a