20 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Patunay bilang Katibayan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Deuteronomio 19:15

Isang saksi ay huwag titindig laban sa kanino man sa anomang kasamaan, o sa anomang kasalanang kaniyang pinagkasalahan: sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi ay pagtitibayin ang usap.

Levitico 5:1

At kung ang sinoman ay magkasala, sa pagkarinig niya ng tinig ng pautos, sa paraang siya'y saksi maging kaniyang nakita o nalaman, kung hindi niya ihayag, ay siya nga ang magtataglay ng kasamaan niya.

Deuteronomio 17:6

Sa bibig ng dalawang saksi, o ng tatlong saksi ay papatayin ang dapat mamatay; sa bibig ng isang saksi ay hindi siya papatayin.

Deuteronomio 22:13-21

Kung ang sinoman ay magasawa, at sumiping sa kaniya, at kaniyang kapootan siya, At kaniyang bintangan ng mga kahiyahiyang bagay, at ikalat ang isang masamang dangal niya, at sabihin, Aking kinuha ang babaing ito, at nang sipingan ko siya, ay hindi ko nasumpungan sa kaniya ang mga tanda ng pagka donselya: Kung magkagayo'y ang ama ng dalaga at ang kaniyang ina ay kukuha at maglalabas ng mga tanda ng pagka donselya ng dalaga sa harap ng mga matanda sa bayan, sa pintuang-bayan;magbasa pa.
At sasabihin ng ama ng dalaga sa mga matanda, Ibinigay ko ang aking anak sa lalaking ito na maging asawa at kaniyang kinapootan siya; At, narito, kaniyang binibintangan ng mga kahiyahiyang bagay, na sinasabi, Hindi ko nasumpungan sa iyong anak ang mga tanda ng pagka donselya: at gayon ma'y ito ang mga tanda ng pagka donselya ng aking anak. At kanilang ilaladlad ang kasuutan sa harap ng matatanda sa bayan. At kukunin ng mga matanda sa bayang yaon ang lalake at parurusahan siya; At kanilang sisingilin siya ng isang daang siklong pilak at ibibigay sa ama ng dalaga sapagka't kaniyang ikinalat ang isang masamang dangal ng isang donselya sa Israel: at siya'y magiging kaniyang asawa; hindi niya mapalalayas siya sa lahat ng kaniyang kaarawan. Nguni't kung ang bagay na ito ay totoo na ang mga tanda ng pagka donselya ay hindi masumpungan sa dalaga; Ay kanila ngang ilalabas ang dalaga sa pintuan ng bahay ng kaniyang ama, at babatuhin siya ng mga bato, ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y mamatay: sapagka't nagkasala siya ng kaululan sa Israel, na nagpatutot sa bahay ng kaniyang ama: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

Mga Bilang 5:11-31

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Kung ang asawa ng sinomang lalake ay malilisya, at sasalangsang sa kaniya, At ang ibang lalake ay sisiping sa kaniya, at ito'y makukubli sa mga mata ng kaniyang asawa at ang bagay ay malilihim, at ang babae ay madudumhan at walang saksi laban sa kaniya, o hindi man matututop siya sa pagkakasala;magbasa pa.
At ang diwa ng paninibugho ay sasakaniya, at siya'y maninibugho sa kaniyang asawa at siya'y madudumhan: o kung sasakaniya ang diwa ng paninibugho at siya'y maninibugho sa kaniyang asawa, at ito'y hindi madudumhan: Ay dadalhin nga ng lalake sa saserdote ang kaniyang asawa, at ipagdadala ng alay ng babae ng ikasangpung bahagi ng isang epa ng harina ng sebada: hindi niya bubuhusan ng langis o lalagyan man ng kamangyan; sapagka't handog na harina tungkol sa paninibugho, handog na harinang alaala na nagpapaalaala ng kasalanan. At ilalapit ng saserdote ang babae, at pahaharapin sa Panginoon: At ang saserdote ay kukuha ng banal na tubig sa isang sisidlang lupa: at sa alabok na nasa lapag ng tabernakulo ay dadampot ang saserdote, at ilalagay sa tubig: At pahaharapin ng saserdote ang babae sa Panginoon, at ipalulugay ang buhok ng babae, at ilalagay ang handog na harina na alaala sa kaniyang mga kamay, na handog na harina tungkol sa paninibugho: at tatangnan ng saserdote sa kamay ang mapapait na tubig na nagbubugso ng sumpa: At siya'y papanunumpain ng saserdote, at sasabihin sa babae, Kung walang sumiping sa iyo na ibang lalake, at kung di ka nalisya sa karumihan, sa isang hindi mo asawa, ay maligtas ka nga sa mapapait na tubig na ito na nagbubugso ng sumpa: Datapuwa't kung ikaw ay tunay na nalisya sa iba na di mo asawa, at kung ikaw ay nadumhan, at ibang lalake ay sumiping sa iyo, bukod sa iyong asawa: Ay panunumpain nga ng saserdote ang babae ng panunumpang sumpa, at sasabihin ng saserdote sa babae, Ilagay ka ng Panginoon na pinakasumpa at pinakapula sa gitna ng iyong bayan, kung papanglumuhin ng Panginoon ang iyong hita at pamagain ang iyong tiyan; At ang tubig na ito na nagbubugso ng sumpa ay tatalab sa iyong tiyan, at ang iyong katawan ay pamamagain at ang iyong hita ay panglulumuhin. At ang babae ay magsasabi, Siya nawa, Siya nawa. At isusulat ng saserdote ang mga sumpang ito sa isang aklat, at kaniyang buburahin sa mapait na tubig: At kaniyang ipaiinom sa babae ang mapait na tubig ng nagbubugso ng sumpa at tatalab sa kaniya ang tubig na nagbubugso ng sumpa, at magiging mapait. At kukunin ng saserdote sa kamay ng babae ang handog na harina tungkol sa paninibugho at kaniyang aalugin ang handog na harina sa harap ng Panginoon, at dadalhin sa dambana: At ang saserdote ay kukuha ng isang dakot ng handog na harina na pinakaalaala niyaon at susunugin sa ibabaw ng dambana, at pagkatapos ay ipaiinom sa babae ang tubig. At pagka napainom na siya ng tubig, ay mangyayari na kung siya'y nadumhan, at siya'y sumalangsang sa kaniyang asawa, na ang tubig na nagbubugso ng sumpa ay tatalab sa kaniya at magiging mapait, at ang kaniyang katawan ay mamamaga at ang kaniyang hita ay manglulumo: at ang babae ay magiging sumpa sa gitna ng kaniyang bayan. At kung ang babae ay hindi nadumhan, kundi malinis; ay magiging laya nga at magdadalang-tao. Ito ang kautusan tungkol sa paninibugho, pagka ang isang babae ay nalilisiya sa lalaking di niya asawa, at nadumhan; O pagka ang diwa ng paninibugho ay sumasaisang lalake, at naninibugho sa kaniyang asawa; ay pahaharapin nga ang babae sa Panginoon at gagawin ng saserdote sa kaniya ang buong kautusang ito. At ang lalake ay maliligtas sa kasamaan, at ang babae ay siyang magdadala ng kaniyang kasamaan.

Deuteronomio 13:12-15

Kung iyong maririnig saysayin ang tungkol sa isa sa iyong mga bayan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang tumahan ka roon, na sasabihin. Ilang hamak na tao ay nagsialis sa gitna mo, at iniligaw ang mga nananahan sa kanilang bayan, na sinasabi, Tayo'y yumaon at maglingkod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala; Ay iyo ngang sisiyasatin at uusisain, at itatanong na mainam; at, narito, kung magkatotoo at ang bagay ay tunay, na nagawa sa gitna mo ang gayong karumaldumal;magbasa pa.
Iyo ngang susugatan ng talim ng tabak, ang mga nananahan sa bayang yaon, na iyong lubos na lilipulin, at ang lahat na nandoon at ang mga hayop doon ay iyong lilipulin ng talim ng tabak.

2 Pedro 1:16-18

Sapagka't kami ay hindi nagsisunod sa mga kathang ginawang mainam, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan. Sapagka't siya'y tumanggap sa Dios Ama ng karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan: At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit, nang kami ay kasama niya sa banal na bundok.

Mga Gawa 1:3

Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios:

1 Corinto 15:5-7

At siya'y napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa; Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa't ang mga iba'y nangatulog na; Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga apostol;

Mga Hebreo 2:3-4

Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? na ipinangusap ng Panginoon noong una ay pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig; Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, at ng saganang kapangyarihan, at ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa kaniyang sariling kalooban.

1 Juan 1:1-3

Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay; (At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag); Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:

Mateo 25:31-46

Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian: At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing.magbasa pa.
Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan: Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy; Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako'y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako'y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan. Kung magkagayo'y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka? At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at pinaramtan ka? At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin? At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa. Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel: Sapagka't ako'y nagutom, at hindi ninyo ako pinakain; ako'y nauhaw, at hindi ninyo ako pinainom; Ako'y naging isang taga ibang bayan, at hindi ninyo ako pinatuloy; hubad, at hindi ninyo ako pinaramtan; maysakit at nasa bilangguan, at hindi ako dinalaw. Kung magkagayo'y sila nama'y magsisisagot, na magsisipagsabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, o nauuhaw, o isang taga ibang bayan, o hubad, o may-sakit, o nasa bilangguan, at hindi ka namin pinaglingkuran? Kung magkagayo'y sila'y sasagutin niya, na sasabihin, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na yamang hindi ninyo ginawa sa maliliit na ito, ay hindi ninyo ginawa sa akin. At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay.

Mga Gawa 26:20

Kundi nangaral akong unauna sa mga taga Damasco, at sa Jerusalem din naman, at sa buong lupain ng Judea, at gayon din sa mga Gentil, na sila'y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios, na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi.

2 Corinto 8:24

Inyo ngang ipakita sa kanila sa harapan ng mga iglesia ang katunayan ng inyong pagibig, at ng aming pagmamapuri dahil sa inyo.

Mga Hukom 6:36-38

At sinabi ni Gedeon sa Dios, Kung iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita. Narito, aking ilalagay ang isang balat na lana sa giikan; kung dumoon lamang sa balat ang hamog, at maging tuyo ang buong lupa, ay malalaman ko nga na iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita. At nagkagayon: sapagka't siya'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at hinigpit ang buong balat, at piniga ang hamog sa balat, na isang tasang malaki ng tubig.

Mateo 16:4

Ang isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda, kundi ng tanda ni Jonas. At sila'y iniwan niya, at yumaon.

Never miss a post

n/a