57 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagibig sa Relasyon

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Colosas 3:18-19

Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon. Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.

Kawikaan 5:18-20

Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan. Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig. Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala?

Mga Taga-Efeso 5:25-27

Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.

Isaias 62:5

Sapagka't kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon magagalak ang Dios sa iyo.

Jeremias 3:14

Kayo'y manumbalik, Oh tumatalikod na mga anak, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y asawa ninyo; at kukuha ako sa inyo ng isa sa isang bayan, at dalawa sa isang angkan, at dadalhin ko kayo sa Sion.

Ezekiel 16:8

Nang ako nga'y magdaan sa tabi mo, at tumingin sa iyo, narito, ang iyong panahon ay panahon ng pagibig; at aking iniladlad ang aking balabal sa iyo, at tinakpan ko ang iyong kahubaran: oo, ako'y sumumpa sa iyo, at nakipagtipan sa iyo, sabi ng Panginoong Dios, at ikaw ay naging akin.

Kawikaan 6:34-35

Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao; at hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti. Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos; ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.

Mga Hukom 16:4

At nangyari pagkatapos, na siya'y suminta sa isang babae sa libis ng Sorec, na ang pangala'y Dalila.

1 Samuel 1:5

Nguni't si Ana ay binibigyan niya ng ibayong bahagi: sapagka't minamahal niya si Ana, bagaman sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata.

Hosea 3:1

At sinabi ng Panginoon sa akin, Yumaon ka pa, suminta ka sa isang babae na minamahal ng kaniyang kaibigan, at mangangalunya, sa makatuwid baga'y ng gaya ng pagibig ng Panginoon sa mga anak ni Israel, bagaman sila'y nagsisipihit sa ibang mga dios, at nangakakagusto ng mga binilong pasas.

Mateo 1:19

At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.

Levitico 19:29

Huwag mong hahamakin ang iyong anak na babae, na siya'y iyong pagmamasamaing babae: baka ang lupain ay malugmok sa pakikiapid, at mapuno ang lupain ng kasamaan.

Deuteronomio 23:17-18

Huwag kang magkakaroon ng masamang babae sa mga anak ng Israel, ni magkakaroon ng sodomita sa mga anak ng Israel. Huwag mong dadalhin ang bayad sa isang masamang babae, o ang kaupahan sa isang aso, sa bahay ng Panginoon mong Dios sa anomang panata: sapagka't ang mga ito ay kapuwa karumaldumal sa Panginoon mong Dios.

Mateo 5:32

Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.

Mga Taga-Roma 1:26-27

Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka't pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo: At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.

1 Corinto 10:8

Ni huwag din naman tayong makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo.

Kawikaan 6:24

Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala.

Malakias 2:16

Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag kayong magsalita na may paglililo.

Marcos 10:11-12

At sinabi niya sa kanila, Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa: At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.

Lucas 16:18

Ang bawa't lalaki na inihihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.

1 Corinto 7:10-11

Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos, Nguni't hindi ako, kundi ang Panginoon, na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa. (Datapuwa't kung siya'y humiwalay, ay manatiling walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa); at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa.

Deuteronomio 17:17

Ni huwag siyang magpaparami ng mga asawa, upang huwag maligaw ang kaniyang puso: ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto.

Malakias 2:15

At di baga siya'y gumawa ng isa, bagaman siya'y may labis na Espiritu? At bakit isa? Kaniyang hinanap ang lahing maka Dios. Kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban, at huwag nang manglilo laban sa asawa ng kaniyang kabataan.

1 Timoteo 3:12

Maging asawa ang mga diakono ng tigiisa lamang na babae, na pamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at ang kanilang sariling mga sangbahayan.

Never miss a post

n/a