10 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Seksuwal na Kasiraan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Ang mga pagkain ay sa tiyan, at ang tiyan ay sa mga pagkain: nguni't kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito. Datapuwa't ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi sa Panginoon; at ang Panginoon ay sa katawan:
Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumaldumal nga.
Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan;
Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.
Huwag lalapit ang sinoman sa inyo sa kanino man sa kaniyang kamaganak na malapit, upang ilitaw ang kaniyang kahubaran: ako ang Panginoon.
Ni huwag din naman tayong makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo.
Sa kasalukuya'y nababalita na sa inyo'y may pakikiapid, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil, na isa sa inyo'y nagaari ng asawa ng kaniyang ama. At kayo'y mga mapagpalalo, at hindi kayo bagkus nangalumbay, upang maalis sa gitna ninyo ang gumagawa ng gawang ito. Sapagka't ako sa katotohanan, bagama't wala sa harapan ninyo sa katawan nguni't ako'y nasa harapan ninyo sa espiritu, akin ngang hinatulan na ang gumawa ng bagay na ito, na tulad sa ako'y nahaharap,magbasa pa.
Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus, nang nangagkakatipon kayo, at ang aking espiritu, na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus, Upang ang ganyan ay ibigay kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman, upang ang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Jesus. Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri. Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak? Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo'y maging bagong limpak, na tulad sa kayo'y walang lebadura. Sapagka't ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga'y si Cristo: Kaya nga ipangilin natin ang pista, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan, kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan. Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid; Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito, o sa mga masasakim at mga manglulupig, o sa mga mananamba sa diosdiosan; sapagka't kung gayo'y kinakailangang magsialis kayo sa sanglibutan: Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.
At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
Mga Katulad na Paksa
- Ipinagbabawal na Sekswal na Relasyon
- Iwasan ang Kalaswaan
- Kabastusan
- Kahalayan
- Kalibugan
- Kalinising Puri
- Kasakiman
- Katulad na Kasarian, Pagaasawa sa
- Mangangalunya