20 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Kabulaanan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Kawikaan 6:12-14

Taong walang kabuluhan, taong masama, ay siya na lumalakad na may masamang bibig; Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa, na nagsasalita ng kaniyang mga daliri; Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, siya'y laging kumakatha ng kasamaan; siya'y naghahasik ng pagtatalo.

Kawikaan 2:12

Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;

Awit 52:2

Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama; gaya ng matalas na pangahit, na gumagawang may karayaan.

Kawikaan 26:28

Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya; at ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan.

Awit 50:19

Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan.

Awit 27:12

Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway: sapagka't mga sinungaling na saksi ay nagsibangon laban sa akin, at ang nagsisihinga ng kabagsikan.

Awit 120:3

Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?

Awit 119:104

Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

Never miss a post

n/a