35 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Laro, Mga

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 26:8

At nangyari nang siya'y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito't si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa.

Awit 69:11

Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila.

Mga Hukom 16:27

Ang bahay nga ay puno ng mga lalake at babae, at ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo ay nandoon; at sa bubungan ay may tatlong libong lalake at babae, na nanonood samantalang pinaglalaruan si Samson.

Mga Hukom 16:25

At nangyari, nang masayahan ang kanilang puso, na kanilang sinabi, Tawagin si Samson, upang siya'y ating mapaglaruan. At tinawag nga si Samson mula sa bilangguan; at siya'y pinaglaruan nila. At kanilang inilagay sa pagitan ng mga haligi:

Isaias 57:4

Laban kanino nakipagaglahian kayo? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig, at naglalawit ng dila? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang, lahing sinungaling,

Awit 104:26

Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan: nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon.

Genesis 21:9

At nakita ni Sara ang anak ni Agar na taga Egipto, na ito'y nagkaanak kay Abraham, na tumutuya sa kaniya.

2 Pedro 3:3

Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita,

Genesis 20:2

At sinabi ni Abraham tungkol kay Sara na kaniyang asawa, Siya'y aking kapatid; at si Abimelech na hari sa Gerar, ay nagsugo at kinuha si Sara.

Genesis 49:6

Oh kaluluwa ko, huwag kang pumasok sa kanilang payo; Sa kanilang kapisanan, ay huwag kang makiisa, kaluwalhatian ko; Sapagka't sa kanilang galit ay pumatay ng tao: At sa kanilang sariling kalooban ay pumutol ng hita ng baka.

Jeremias 13:23

Makapagbabago baga ang Etiope ng kaniyang balat, o ang leopardo ng kaniyang batik? kung magkagayo'y mangakagagawa naman kayo ng mabuti, na mga bihasang gumawa ng masama.

2 Paralipomeno 26:1

At kinuha ng buong bayan ng Juda si Uzzias na may labing anim na taon, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias.

Awit ng mga Awit 6:11

Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile, upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis, upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas, at ang mga puno ng granada ay namumulaklak.

2 Paralipomeno 26:5

At siya'y tumalagang hanapin ang Dios sa mga kaarawan ni Zacharias, na siyang maalam sa pangitain sa Dios: at habang kaniyang hinahanap ang Panginoon, pinagiginhawa siya ng Dios.

2 Paralipomeno 26:2

Kaniyang itinayo ang Eloth at isinauli sa Juda, pagkatapos na ang hari ay makatulog na kasama ng kaniyang mga magulang.

2 Paralipomeno 26:14

At ipinaghanda sila ni Uzzias sa makatuwid baga'y ang buong hukbo, ng mga kalasag, at mga sibat, at ng mga turbante, at ng mga sapyaw, at ng mga busog, at ng mga bato na ukol sa panghilagpos.

2 Paralipomeno 26:15

At siya'y gumawa sa Jerusalem ng mga makina, na katha ng mga bihasang tao, upang malagay sa mga moog at sa kuta upang magpahilagpos ng mga pana at mga malaking bato. At ang kaniyang pangalan ay lumaganap na mainam: sapagka't siya'y tinulungang kagilagilalas hanggang sa siya'y lumakas.

2 Paralipomeno 26:7

At tinulungan siya ng Dios laban sa mga Filisteo, at laban sa mga taga Arabia na nagsisitahan sa Gurbaal, at sa mga Meunim.

2 Paralipomeno 26:9

Bukod dito'y si Uzzias ay nagtayo ng mga moog sa Jerusalem sa pintuang-bayan na nasa panulok, at sa pintuang-bayan sa libis, at sa pagliko ng kuta, at mga pinagtibay.

2 Paralipomeno 26:4

At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias.

Never miss a post

n/a